Halimuyak ni Aya (82)
SINABI ni Tatay Ado kay Nanay Cion ang balak na pagpapatuli kay Sam.
Hintakot si Nanay Cion.
“Baka masaktan si Sam, Ado. Ang bata-bata pa niyan.â€
“Yan nga ang tamang edad ng bata para tulian. Kapag lumampas kukunat na ang balat at lalong masasaktan.â€
“Bakit kailangan pa bang tulian?’’
‘‘Ay sus naman itatanong pa ng matandang ire, siyempre kapag hindi pinatulian yan e di tutuksuhin ng mga kalaro o kaklase niya. Gusto mo bang tawaging “supot†ang apo mo?’’
“E hindi naman makiki-ta ang “ano†ni Sam paano malalaman kung “supot†siya o hindi.’’
“Ay sus, ang mga bata ay nagpapakitaan. Siyempre ipaghahambog ng bata na siya ay tuli na. Paano kung haÂmunin si Sam na ipakita ang kanya at hindi siya pumayag tiyak tutuksuhin siya. Hanggang sa kumalat sa buong school na supot. Naku ayokong tatawaging supot ang apo ko. Kaya bukas o sa makalawa ay patutulian ko siya.’’
“Baka masaktan Ado.’’
“Hindi.’’
“Sinong magtutuli yung matanda diyan sa may bara-ngay hall.’’
“Hindi. Masasaktan si Sam dun. Masakit pagpukpok. Sa bayan ko dadalhin --- sa doktor. Kahit magbayad ako nang mahal huwag lang masaktan si Sam.’’
‘‘Kung ako ang masusunod, maski huwag nang tulian si Sam. Ano ba ang pagÂkakaiba kung hindi tuli?’’
“Isipin mo na kumakain ka ng saging na hindi binalatan. Ganun ang pagkakaiba. Pati balat makakain mo.’’
Natigilan si Nanay Cion. Napangiti pagkatapos. Hindi na tumutol sa gusto ni Tatay Ado.
Sinabi ni Tatay Ado kay Sam na patutulian ito. Walang tutol si Sam. Ang mga kaklase raw niya ay magpapatuli rin. Pero sa pukpok daw. Labaha ang gamit.
“Dadalhin kita sa doktor bukas.’’
KINABUKASAN, nagtungo sa doktor sa bayan ang maglolo. Walang pasyente ang doktor kaya naisalang agad si Sam.
Wala pang isang oras, tapos na. Tuli na si Sam.
“Bilhin mo Tatay ang ga-mot na ito. Iinumin po ni Sam para hindi mamaga. Nasa reseta rin ang panghugas. Mga tatlong araw lang, bahaw na yan. Huwag munang maglaro at baka matagtag.’’
“Salamat po Doktor.’’
(Itutuloy)
- Latest