Halimuyak ni Aya (57)
“DARATING sina Aya at Mommy Brenda mo, Sam. Huwag kang mainip. Di ba sabi ni Aya, may pasalubong sa’yong laruan?†Sabi ni Nanay Cion at hinimas-himas ang likod ng apo. Nakadungaw sa bintana si Sam at nakaÂtingin sa direksiyon na dadaanan ng sasakyan nina Aya.
“Kahit wala po siyang pasalubong na laruan sa akin, Lola. Gusto ko lang po makita si Aya.â€
“Huwag kang mainip at baka bukas o sa isang bukas ay darating na sila.’’
“Bakit po ba laging hindi natutuloy ang pagpunta nila rito, Lola?â€
“Maraming ginagawa si Mommy Brenda mo. InaÂalagaan si Aya. Naghahanda ng pagkain ng kanyang asawa. Naglalaba at nagluluto…â€
“Di ba po sabi ni Mommy Brenda mayroon silang maid. Narinig ko po sinabi ni Mommy Brenda.’’
“A e baka abala sa pag-aasikaso sa asawa. Kasi’y lagi raw maraming pinupuntahang meeting ang asawa ni Mommy Brenda mo.â€
“Ano po bang trabaho ng asawa niya Lola?â€
“Sa kuwan, saan nga ba yun? Nalimutan ko. Alam ng lolo mo. Itatanong ko pagdating niya. Basta maganda raw ang trabaho ng asawa ni Mommy Brenda. Malaki ang suweldo.â€
“Mabait po siya, Lola?â€
“Oo, mabait daw.â€
“Ba’t sabi ni Aya, hindi raw.â€
“Sabi sa’yo, hindi mabait ang asawa ni Mommy BrendaÂ?â€
“Opo.â€
“Bakit daw?â€
“Lagi raw po nakasimaÂngot sa kanya. Parang laging galit.â€
“Baka iyon ang dahilan kaya ayaw ni Aya sa Maynila.â€
Nakatingin lang si Sam sa kanyang lola. At saka tumanaw muli sa bintana.
“Sana dumating na si Aya, Lola.â€
“Oo darating na yun.â€
Maya-maya, dumating si Tatay Ado. May binalita.
“Si Lina, dinala sa ospital. Narinig ko ang usap-usapan.â€
“Diyos ko!â€
“Baka grabe ang pagÂkabugbog ng hayop na si Kardo.â€
“Diyos ko, sana ligtas si Lina. Napakabait pa naman niya.’’
Si Sam ay nakikinig sa usapan ng kanyang lola at lolo. Naaawa siya kay Mama Lina niya.
(Itutuloy)
- Latest