^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MALAYO na ang SUV ni Brenda ay umiiyak pa si Sam. Tumigil lamang ito nang yakapin ni Tatay Ado at pinangakuang pupunta sila sa bayan para bumili ng ice cream.

“Babalik din sila. Di ba narinig mo ang sinabi ni Mommy Brenda, babalik sila sa susunod na buwan.”

Pinahid ni Sam ang luha sa pisngi. Yumakap kay Tatay Ado.

“Huwag  ka nang umiyak. Hindi naman umiiyak ang lalaki. At saka kapag umiiyak ang lalaki ay nawawala kapogihan. Di ba pogi ka? Pogi ka di ba, Sam?”

Tumango si Sam. Ngumiti.

“O ayan ganyan. Huwag kang iiyak dahil nawawala ang kapogihan. Mamaya, pupunta tayo sa bayan. Ibibili kita ng ice cream. Di ba sabi mo gusto mo ng ice cream?’’

“Opo, Lolo.”

“Ilang ice cream ang gusto mo?”

“Marami.’’

“Ilan nga?”

Nagbilang sa daliri. Pero hindi pa naman marunong magbilang.

“Ilan?”

“Three.”

Nagtawa si Tatay Ado. Hanggang three lang pa kasi ang alam ni Sam.

“Sige ibibili kita ng three ice cream.’’

Maya-maya narinig ni Tatay Ado ang tawag ni Nanay Cion.

“Parine ka nga Ado. Tingnan mo ito, dali!”

“Sandali.”

Pumasok si Tatay Ado sa loob ng bahay habang akay si Sam.

“Ang laki ng perang ibi­nigay ni Brenda, Ado!”

“Magkano?”

“Singkuwenta mil!”

“Aba, ang laki naman!”

“Hindi ko nga akalain.’’

“Napakabait talaga ni Brenda. Tinutupad ang bawat sabihin.”

“Palagay ko, ito ay para kay Sam. Di ba sabi niya noon, tutulungan niya tayo sa pagpapalaki at pagpapaaral kay Sam?”

“Oo. Narinig ko ngang sinabi niya noon.”

“Paano kaya nagkaroon nang maraming pera si Brenda?”

“O e di ba ang asawa niya na si Janno ay nasa Customs.”

“Ano ba yung Customs, Ado? Hindi ko alam ‘yun?”

“Tanggapan ng gobyerno yun. Dun nagdadaan ang mga kargamento na galing sa ibang bansa. Doon nagbabayad ng buwis.’’

“Ah, yun pala. Kaya naman pala maraming pera si Brenda. Siguro kung bigyan ng asawa ng pera ay saku-sako ano?”

Nagtawa lamang si Tatay Ado.

“Paanong gagawin ko rito sa singkuwenta mil, Ado?”

“Aba ay di itago mo. Huwag mong gagalawin. Ang gagastusin natin ay yung napapagbilhan ko sa aning mangga. Hindi naman tayo bibili ng bigas dahil marami rin tayong ani.’’

“Ibanko ko kaya, Ado?”

“Sige.”

“Tiyak na pagpunta uli rito ni Brenda ay bibigyan uli tayo.”

“Napakabait talaga ni Brenda. Wala akong masasabi sa kanya.”

“Sasabihin ko ba sa pinsan niyang si Lina na binigyan tayo nang mala­king pera ni Brenda? Baka biglang dumalaw si Lina.”

“Huwag na. Tayo na lang dalawa ang naka­aalam nang lahat.’’

“Oo Ado.”

“Basta ingatan na lang natin ang binibigay ni Brenda.”

(Itutuloy)

ADO

BRENDA

HUWAG

ILAN

MOMMY BRENDA

NAGTAWA

NANAY CION

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with