^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PINAYUHAN kita na tumakas. Iyon ang naisip kong paraan para ka makaligtas sa kapahamakan. At nang sabihin ko sa iyo ang paraang iyon ay nakita kong natulala ka. Hindi mo alam kung paano ang gagawin. Ipinaliwanag ko sa’yo na kapag hindi ganoon ang ginawa mo, maaaring malagay ka sa problema. Kapag nahalata ang nasa tiyan mo, baka mas malaking problema.

“Isa-isa kong sinabi ang mga gagawin mo. Huwag kang magdadala ng damit sa pagtakas sapagkat pabigat lamang ito. Isa pa, kung wala kang damit, magiging kapani-paniwala ang iyong pagtakas.

“Magtungo ka sa Philippine Embassy  at doon ay sabihin mong ginahasa ka ng iyong amo. Kailangang umarte ka na. Kunwari ay maghisterikal ka para maging kapani-paniwala ang lahat. Kailangang kayanin mo ang sinabi ko sapagkat iyan lamang ang tanging paraan para ka makaligtas.

“Alam ko, hindi ma­ganda ang payo ko sa’yo sapagkat mala-king pagsisinunga-ling ang sasabihin mong ginahasa ka. Pero wala nang ibang paraan. Kahit pa bali-baliktarin mo ang utak mo, wala kang maiisip na paraan. Kaya nga kahit alam kong mali ang pagtuturo ko sa’yo ang sa akin ay para ka makaligtas --- hindi lamang sa batas sa Saudi kundi pati na rin sa galit ng asawa mong si Philipp. Kasi kung malalaman ni Philipp na ginahasa ka ng iyong amo, ano pa ang magagawa niya. Matatanggap ka pa rin niya sa palagay ko. Malakas ang paniwala ko na muli kang mamahalin ng iyong asawa. At hayaan mo na lang ang mga susunod na pangyayari. Kapag lumobo ang tiyan mo, wala nang magagawa pa sapagkat hindi mo naman kasalanan ang nangyari.

“Basta’t ang payo ko sa’yo ay huwag kang mawawalan ng pag-asa. Basta buhayin mo lang ang iyong pinagbubuntis.

“Sana sagutin mo ang sulat na ito.  Muli kitang susulatan para malaman ang mga nangyari sa iyo. Itago mo lang ang sulat na ito. Hindi na kita nagawang puntahan sa Philippine Embassy sapagkat ayaw na akong payagang lu-mabas ng aking amo.

“Sige Cristy, hanggang dito na lamang at dalangin ko na lagi kang nasa mabuting kalagayan. Ingatan mo ang anak mo. Hanggang sa muli.” –IMELDA

Tiniklop ni Tatay Ado ang sulat ni Imelda.

Hindi siya kumilos sa pagkakasalampak sa sahig. Ngayon ay alam na niya ang lihim. At siguro, nabasa na rin ni Ipe  ang sulat na ito. Ito ang dahilan kaya niya inabandona si Sam.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ISA

KAILANGANG

KAPAG

PHILIPP

PHILIPPINE EMBASSY

SIGE CRISTY

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with