^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (12)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PATULOY si Brenda sa pagpapasuso kay Sam. Tinu-pad ang pangako na hindi iiwan si Sam at hangga’t may gatas na makukuha sa kanyang dibdib ay pasususuhin si Sam. Kung ano ang nakukuha ng anak niyang si Aya ay ganundin ang makukuha ni Sam.

Ang masustansiyang gatas ni Brenda ang nagbigay kay Sam nang malusog at magandang pangangatawan. Habang lumalaki si Sam ay nakikita sa kaanyuan ang ibang lahi. Mas matingkad ang lahing Arabo kaysa Pinoy. Matangos ang ilong, malantik ang pilik mata, manipis na labi at kulot na buhok. Kapag ihahanay si Sam sa kapwa niya bata, halatang-halata na nahaluan siya ng ibang lahi. At halata rin na mas mabulas siya kumpara sa ibang bata.

Kapag pinagmamasdan ni Tatay Ado at Nanay Cion si Sam habang nakikipag­laro kay Aya, nagtatanong sila kung ganito nga ba ang mukha ng Arabo. Wala namang nabanggit ang kanilang anak na si Cristy ukol sa among Arabo na nanggahasa. Basta’t ang sabi ay pinuwersa siya ng amo. At sa pagkatakot daw niyang maulit ang panggagahasa ay tumakas siya. Nasugatan pa nga siya sa paa dahil sa pagtalon sa bintana. Iyon ang sinabi ni Cristy ilang araw makaraang dumating mula sa Riyadh. Ang Philippine Embassy raw ang kumupkop sa kanya nang tumakas sa among Arabo na nanggahasa sa kanya. Maliban doon ay wala nang sinabi si Cristy. At hindi na sila nagtanong sa anak. Alam nila kung gaano kasakit ang pinagdaanan ng kanilang anak kaya ang magtanong ukol sa isang masakit na karanasan ay hindi na nila ginawa.

Kaya nga wala silang ideya kung ano ba ang mukha ng Arabo. Ni isang picture sa Saudi ay walang dala si Cristy.

“Palagay ko, guwapung-guwapo ang apo mo, Cion. Tingnan mo ang itsura. Mag-iisang taon pa lang ay lutang na ang gandang lalaki. Ganyan kaya ang itsura ng Arabong nanggahasa sa anak mo?’’

“Siguro.’’

“Ang ganda ng mata at ang ilong ay parang nililok. Perpekto ang pagkakagawa ng ilong. Tingnan mo naman ang ilong ko at nakadapa. Maski yang ilong mo e malayung-malayo kay Sam. Mas lalong nakadapa yan kaysa ilong ko.’’

‘‘Matandang ito at pinintasan pa ang ilong ko.’’

“Kasi nga’y ka­pan­ sin-pansin ang gandang lalaki ni Sam kaya naikukumpara ko. At alam mo, may napansin pa akong kakaiba kay Sam…”

“Ano yun?”

“Malaki ang kargada ni Sam. Baby pa lang ay nakikita na ang “ga-kabayong” kargada.’’

“Ang bastos naman ng matandang ito.’’

“Totoo naman ang sinabi ko. Paglaki ni Sam, baka pagnasaan yan ng mga binabae.’’

“Tumigil ka na nga.” Nagtawa si Tatay Ado.

Pagkaraan ay may ibinulong kay Nanay Cion.

“Nasaan kaya ang tatay ni Aya? Mayroon bang ikinuwento sa’yo si Brenda?”

“Ssss. Huwag kang mai-ngay at baka marinig ka. Kakahiya!”

“May sinabi ba sa’yo, Cion?”

“Wala!”

Natahimik si Tatay Ado.

 

ISANG araw nagpaa­ lam si Tatay Ado kay Nanay Cion na pupuntahan ang ba­hay na inabandona ng ma­ nugang na si Ipe.

“Akala ko ba ayaw mo nang makita ang bahay at naaalala mo si Cristy?’’

“Hindi ko matiis. Lilinisin ko. Tiyak na maraming kalat yun.”

Pinuntahan nga ni Tatay Ado ang bahay. Maraming basura sa loob. Naroon pa ang mga gamit. May mga nakita siyang nakakalat na sulat. Dinampot niya ang isa. Galing sa Saudi ang sulat!

(Itutuloy)

 

ANG PHILIPPINE EMBASSY

ARABO

AYA

BRENDA

ILONG

KAPAG

NANAY CION

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with