Alakdan (Wakas)
PATULOY sa paglalakad sa dalampasigan sina Troy at Kreamy. Ang kaÂniÂlang mga paa ay hinaÂhalikan ng mga nag-uunaÂhang mga alon.Magkahawak kamay at nag-uusap. Masaya nilang binabalikan ang kahapon.
“Hindi lamang pala tayong dalawa ang mga sinisimbolo ng alakdan, Troy.â€
“Sino pa?’’
“Si Mama. Isa rin siyang alakdan. Mataas din at malakas ang kanyang power na hanapin ako. Hindi rin siya tumigil sa paghahanap ng paraan kung paano ako matatagpuan. Di ba Troy, ginawa ni Mama ang lahat?’’
“Oo. Katulad din natin siya Kreamy. Hindi rin siya sumuko. Lalo pa nga siyang naging matapang nang masugatan. At pinaÂunlad pa niya ang sarili. Mula sa pagiging mahirap ay gumanda ang kanyang buhay dahil sa pagsisikap. Bukod doon, matindi ang kanyang paniwala na magkakaroon ng bunga ang kanyang mga pagsasakripisyo para kayo magkitang muli.’’
“Nagawa rin niyang talunin ang pulang alakdan na nagdulot sa amin nang matinding sakit at kirot sa buhay. Alam mo na kung sino ang pulang alakdan, Troy?’’
“Yes naman. Si Red Scorpion Mayette. Hindi nga pala uubra ang matapang na alakdan sa masigasig at matitiyagang lumaban na Black Scorpion…’’
Nagkatawanan ang daÂlawa.
“Ganito pala ang laro ng buhay, ano Troy? Tingnan mo rin si Digol na pinsan mo. Akalain mo bang magbabago rin ang kanyang buhay. Natuklasan na meron pala siyang anak na sa dakong huli ay mag-aalaga pala sa kanya.’’
‘‘Oo nga ano? Alakdan din si Digol pero ibang klase lang.’’
‘‘Ano siya Green Scorpion?’’ tanong ni Kreamy at nagtawa.
“Wee hindi nga.’’
“Ano Pink Scorpion?’’
‘‘Nagpapatawa ang ale, hindi naman nakakaÂtawa.’’
Pinisil ni Kreamy ang palad ni Troy. Patuloy sila sa paglalakad. Ang araw ay unti-unti nang lumulubog. Bilog na bilog at wala nang init. Ang gandang tingnan.
‘‘Meron ding mga alakdan na naliligaw ng kanilang tinatahak. May nawawalan din ng kamandag pansumandali pero handa silang magsisi at binabalikan ang tuwid na daan. Gaya ni Digol. Hinanap muli niya ang dating daan. Nagkaroon muli siya ng power at naniwala na maaari pang ituwid ang mga nagawang pagkakamali. Naging positibo siya at maganda ang naging resulta. Maayos na ang buhay nilang mag-ama ngayon. Si Pau na kanyang anak ay nakikita kong magiging tagumpay sa kanyang gustong career na pagdodoktor. Mahal na mahal niya ang kanyang papa. Isa ring alakdan si Pau na hindi tumigil sa paghahanap para makita ang ama. Di ba, Kreamy?’’
‘‘Yes, tama ka Mr. Scorpion. Tayong lahat na may malakas at matibay na paniniwala sa sarili ay tulad sa mga alakdan…’’’
Biglang may naisip si Troy.
“Mamayang gabi, gus-to ko maglaro ang mga alakdan. Gusto ko, magkaroon na ng bunga ang pag-iibigan ng dalawang alakdan…’’
“E di umuwi na tayo, Troy para masimulan na ang gabi ng mga alakdan.’’
Nagkatawanan ang da-lawa. Masayang-masaya sila. Punumpuno ng pag-asa. Pabalik na sila sa kanilang tinutuluyang hotel.
(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA NOBELA NI RONNIE M. HALOS NA IGINUHIT NAMAN NI NILO COMODA. HUWAG BIBITIW.)
- Latest