^

True Confessions

Alakdan (301)

Pilipino Star Ngayon

“NAIKUWENTO ba ng mama mo  kung paano namin hinanap ni Digol ang kanyang bahay sa San Pablo?”

“Oo. Lahat ay kinuwento niya. Noong una, ay inunti-unti muna niya ang pagkukuwento sa akin tungkol sa’yo. Hindi agad diretsahan na hinanap mo ang aming bahay sa may Pag-asa, yung malapit sa Veterans. Tapos nang nakakahalata na ako, sinabi rin.’’

“Napakabait ng mama mo. Sa unang­ pagkakita ko pa lamang sa kanya, ma­gaan na ang loob ko sa kanya. Napakabu­ting ina.’’

“Super bait ng mama ko, Troy. Wa­lang makakapantay sa kanya.’’

“Nang ikinukuwento niya ang mga nangya­ring pagmamalupit sa iyo ni Mayette, napapa­iyak siya. Sobra raw ang ginawa sa’yo. Hindi ka raw dapat pinarusahan ng ganoon. Hindi ka raw dapat pinagmalupitan.’’

“Matagal din siyang nagkimkim ng galit sa nagisnan kong ina. Nasabi nga niya noon na kung magkikita sila ni “Mama Mayette” baka kung ano ang magawa niya. Igaganti raw niya ako. Mabuti na lang pala at namatay na siya.”

“Ako ang nagsabi sa kanya na patay na si Mayette. At ipinagtapat ko sa kanya ang mga nakaraan namin ni Mayette.’’

Napatangu-tango si Kreamy.

“Alam mo, yun ang isang dahilan kaya hindi ko magawang magpakita sa’yo. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano haharap sa’yo at sasabihin ang lahat nang mga nangyari. Sa isip ko, magagalit ka sa akin at mandidiri.’’

“Matapos kong malaman ang lahat, naunawaan kita Troy. Kahit na nga sinabi ko sa iyo noon pa na huwag mo nang dagdagan ang kasala­nan ni Mama Mayette, na­u­unawaan kita.’’
“Wala na kasi akong makapitan.’’

“Alam ko. At saka noon pa man, alam kong malaki ang pagkagusto sa’yo ni Mama Mayette. Ikaw lang ang tumatanggi.’’

“Napansin mo pala yun, Kreamy.’’

“Oo.’’

“Wala na akong ma­isip na paraan noon para mabuhay.’’

“Ang isang ikinahahanga ko ay nagsikap ka, Troy. Nagtapos ka ng Fine Arts at ngayon ay hepe na ng Art Department ng isang top advertising company. Hindi mo hinayaang nasa ibaba ka. Nagsikap kang makarating sa itaas.’’

“Salamat, Kreamy.’’

Tumanaw si Kreamy sa labas ng bahay.

“Halika sa labas Troy, tingnan natin ang bahay sa tapat.’’

“Tena, Kreamy.’’

Nang nasa bakuran na sila, tinanaw nila ang bahay. Sinabi ni Kreamy na ibini­bigay na niya kay Digol ang bahay. Mangha si Troy.

“Kay Digol na ang bahay na ’yan. Alam ko, napamahal na sa kanya ang bahay na ‘yan.”

Humanga si Troy kay Kreamy.

(Itutuloy)

 

ALAM

ART DEPARTMENT

BAHAY

DIGOL

KREAMY

MAMA MAYETTE

MAYETTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with