^

True Confessions

Alakdan (289)

Pilipino Star Ngayon

“BAKIT ngayon mo lang sinabi na mayroon ka palang anak?” tanong ni Troy na takang-taka pa rin sa nalaman. Nakatingin siya kay Pau. Si Pau naman ay tila nahihiya.

‘‘Magmano ka kay Tito Troy mo, Pau. Siya ang tutulong sa atin. Mayaman na ‘yan.’’

Nagtawa si Troy. Kinuha ni Pau ang kamay ni Troy at nagmano.

‘‘Paano mo nalaman ang kinaroroonan ng iyong papa, Pau?’’

Si Digol na ang sumagot. “Mahabang istorya Pinsan. Saka ko na lamang ikukuwento sa iyo. Ang mahalaga ngayon ay hindi na ako nag-iisa. Mayroon na akong mapagsa-sabihan ng mga problema at may mag-aasikaso na sa akin sa pagtanda ko.’’

“Oo nga. Akalain mo meron ka palang ganitong kagandang anak.’’

“Maganda kasi ang mama niya.’’

‘‘Nasaan ang mama niya?’’

“Kamamatay lang daw. Kanser. Sayang nga at hindi man lamang kami nagkita.’’

Natahimik sila.

Nang magsalita si Digol ay nakikiusap kay Troy.
“Pinsan, kaya mo pa ba kaming kupkuping mag-ama? Alam mo naman ang sitwasyon ko, sakitin ako. Ikaw na lamang ang pag-asa namin.’’

“Oo naman. Lahat nang kailangan ninyong mag-ama, sagot ko. Hindi ko naman nalilimutan ang ginawa mong pagkupkop sa akin noon. Kung hindi mo ako pinatira diyan sa bahay sa tapat, mararating ko ba ang kinalalagyan ko ngayon. Baka hanggang ngayon ay isang kahig, isang tuka pa rin ako.’’

“Ikaw ang gumawa sa sarili mong tagumpay Pinsan. Nagsikap kang mabuti. Kung may nagawa man ako, e kapiraso lang iyon. Ikaw talaga ang gumawa ng maganda mong buhay…’’

“Pero hindi ko malilimutin ang pinagsimulan natin. Ikaw pa rin ang tinuturing kong hagdan kaya ako narito sa mataas na posisyon.’’

“Gusto kasi nitong anak ko na maging doktor, Pinsan.’’

“Talaga?’’

“Honor student pala ito. Kaso napatigil dahil nga namatay ang mama niya. Dapat nasa third year high school na siya.’’

“Pag-aaralin kita. Sa susunod na school year pakukunin kita ng exam sa science high school. Dala mo ba ang school record mo?’’

“Opo, Tito Troy. Nang magpunta po ako rito sa Maynila dinala ko lahat ng record ko. Nasa isip ko po kasi, kapag nakita ko si Papa, hihilingin kong makapag-aral ako.’’

“Good. Ang katulad mong mga bata ang hinahangaan ko. Laging naka-ready. Ibig sabihin talagang gusto mong makapagtapos sa pag-aaral. Gusto mong magkaroon nang pagbabago sa buhay mo. Kahit saang school na gusto mong pag-aralan ng Medicine, gagastusan ko.’’

Napaiyak na naman si Pau. Tinapik-tapik ni Digol sa balikat ang anak.

‘‘Sabi ko na sa’yo, hindi tayo pababayaan ni Tito Troy mo. Makakatapos ka ng pagkadoktor, Pau.’’

‘‘Salamat po, Tito Troy.’’

‘‘Basta alagaan mo lang itong Papa mo at medyo sakitin na nga ito.’’

“Aalagaan ko po si Papa, Tito Troy.’’

Tuwang-tuwa naman si Digol.

‘‘Pinsan mula nang dumating itong anak ko, e bigla akong lumakas. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa.’’

“Nakikita ko nga sa mukha mo, Digol.’’

ISANG araw, nagdidilig ng halaman si Pau sa harap ng bahay nang may dumating na babae. Maganda. Mabait at mukhang edukada.

“Excuse me, dito ba nakatira si Digol?’’

Nakatitig si Pau sa babae.(Itutuloy)

 

AKO

DIGOL

IKAW

LSQUO

PAU

PINSAN

TITO TROY

TROY

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with