^

True Confessions

Alakdan(283)

Pilipino Star Ngayon

“NABABAITAN daw po sa iyo si Mama noon. Kasi raw po, kapag maraming ipinatatrabaho si Madam Carmen sa kanya ay parang kalabaw ang turing. At saka raw po masungit si Madam Carmen. Kapag nagkamali     sa pagtatrabaho sa bahay ay minumura at kung anu-ano. Minsan daw ay nabasag ang baso, kinaltas daw sa suweldo niya at may kasama pang mura…’’

Tama ang kinuwento ni Inday kay Pau. Masyado ngang malupit sa katulong si Carmen. Nananakit ng katulong at hayop ang turing sa katulong.

“Pagkukuwento pa po ni Mama sa akin, nakita rin daw niya kung paano ka murahin ni Madam Carmen. Kasi’y selosa raw po yata si Madam Carmen...’’

Totoo ang sinabi ni Pau. Masyadong selosa si Carmen. At maski katulong ay pinagseselosan. Dalawang katulong ang pinalayas dahil naamoy na may crush kay Digol. Maganda kasi ang dalawang katulong pero may mga asawa na.

“Sabi po ni Mama, siya na lang ang natirang katulong sa inyo kaya lalong dumami ang kanyang trabaho. Gusto na rin daw niyang umalis noon dahil malupit nga si Madam Carmen pero inaalala niya ay ang kanyang mga magulang. Kapag umalis siya, magugutom sila. Siya lang po ang inaasahan sa pamilya. Kaya pinagtiisan daw niya ang kalupitan ni Madam Carmen.

“Lagi raw niyang nakikita ang paglalambutsingan ninyo ni Madam Carmen. Kung gaano raw ito kasu-ngit at kalupit ay super naman kung makipagharutan. Kahit daw may nakakakita ay walang pakialam. Kahit nasa salas ay kung anu-anong kalaswaan ang ginagawa….’’ Sabi ni Pau at napangiti sa bahaging iyon ng kuwento. Naikuwento rin pala iyon ni Inday kay Pau.

Masyadong ‘‘hot’’ nga si Carmen. Kung ‘‘hot” si Mayette na una niyang naka-live-in, mas lalo si Carmen. Kapag gusto nitong maki­pag-sex, gusto maidaos agad. Hindi palalampasin. Minsan nga ay napagtripan nitong mag-sex sila sa sopa sa salas. Madaling araw. Bakit sa salas pa ay meron namang silid. Basta iyon daw ang gusto niya. At kapag ginusto ni Carmen, iyon ang nasusunod.

Sa sopa nga sila nagtalik. Hindi na pinatay ang ilaw. Iyon daw ang gusto ni Carmen. Sunud-sunuran lang si Digol. Okey lang naman sa kanya. Para walang problema, ibibigay niya ang hilig ni Carmen. Kapag naibigay niya ang gusto ni Carmen, paldo naman ang bulsa niya. Sagana na naman siya sa pera.

Abalang-abala sila ni Carmen sa ginagawa sa sopa sa salas nang hindi nila nalalaman ay gising pala si Inday. Nakita ang kanilang ginagawa. Alam ni Digol na pinanonood sila ni Inday. Pero hindi niya magawang maisum­bong kay Carmen at baka kung ano ang gawin. Kawawa si Inday!

(Itutuloy)

CARMEN

DAW

DIGOL

INDAY

KAHIT

KAPAG

KASI

MADAM CARMEN

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with