^

True Confessions

Alakdan (277)

Pilipino Star Ngayon

“OKEY lang pala na kina-in ng anay ang “obra” mo Pinsan?”

“Oo Digol. Noon ko pa nga gustong alisin ang painting na yun dito sa salas, hindi ko lang magawa at baka pagmultuhan ako ni Mayette. Pero noon pa, makaraang mamatay si Mayette gusto ko nang itapon yun.’’

“Akala ko kasi maga-galit ka, Pinsan dahil ki­nain ng anay.’’

“Hindi. Salamat sa mga anay. At saka nalalaswaan ako sa pain-ting na yun. Muntik pa ng maghubad si Mayette. Gusto nakabuyan­yang ang dibdib. Sabi ko, takpan naman niya dahil masagwa. Mabuti at nakinig sa akin.’’

Nakahinga nang maluwag si Digol. Hindi na pala siya mag-iimbento ng kung anu-ano. Salamat din sa anay. Pero iingatan din ni­yang malaman ni Troy na si Mam Siony ang nagpaalis ng painting. Huwag din daw sabihin kay Troy na nanggaling siya rito. Na-ngako siya na hindi malalaman ni Troy ang lahat.

“Kumusta ka naman dito Digol?”

“Okey lang Pinsan. Ka­pag tapos na ang paglili- nis ko ng bahay, nanonood na lang ako ng TV.’’

“Pagbalik ko, dadalhan kita nang malaking flat screen na TV. Para enjoy na enjoy ka.’’

“Salamat, Pinsan.’’

“Ingatan mo lang itong bahay ni Kreamy.’’

“Iyon ang ginagawa ko Pinsan. Iniingatan ko talaga ito.’’

 

SANAY nang mag-isa si Digol sa bahay na iyon. Natutuhan na niyang tanggapin ang kapala-ran. Maligaya na siya.

Nasasabik naman siya na makita si Kreamy. Kailan kaya darating si Kreamy?

(Itutuloy)

DIGOL

HUWAG

KREAMY

MAM SIONY

MAYETTE

OO DIGOL

PERO

PINSAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with