^

True Confessions

Alakdan (275)

Pilipino Star Ngayon

“MASYADONG busy  lang si Kreamy ngayon kaya hindi makapunta rito. Lagi siyang pinadadala sa abroad ng kompan­ya nila. Madalas ay sa Bangkok at Singapore siya nagpupunta.’’

“Masuwerte po talaga si Kreamy. Noong una ko po siyang makita —dalagita pa siya ay nasa isip ko nang mabait at masunuring bata. Kaya nga nang masaksihan ko ang pagmamalupit sa kanya ni Mayette ay pati ako e nasasaktan. Wala lang akong magawa kasi, umaasa lang ako kay Mayette.’’

“Mabait talaga ang anak ko Digol. Kaya nga nang malaman ko mula sa kanya ang mga dinanas sa nagisnan niyang “mama’’ ay hindi ko malimutan. Talagang ganito yata ang pakiramdam ng ina. Kahit na sabihin pang patay na ang nagkasala ay nananatili pa rin ang galit. Iyon ang aking nararamdaman. Hindi ko na itatago ang  aking damdamin, hanggang ngayon ay masamang masama ang loob ko sa babaing nang-api sa aking anak…”

“Nararamdaman ko po iyon, Mam Siony. Alam ko rin kung gaano mo kama-hal si Kreamy…’’

“Walang kapantay, Digol. Kaya nga hindi na ako nagbalak pang mag-asawa para si Kreamy na lang ang mamahalin ko.’’

“Dakila ka talaga, Mam Siony.’’

“Meron lang akong hihi-lingin sa’yo, Digol.’’

“Sige po, Mam Siony. Ano po yun?’’

“Dalawa ang hihilingin ko sana.’’

“Ano po yun?’’

“Gusto ko sana alisin  mo ang painting ng “babaing” kinasusuklaman ko  dito sa salas.’’

Hindi agad nakapagsalita si Digol. Hindi inaa­sahan ang hiling ni Mam Siony.

“Kaya mo Digol?’’

Sa halip na sumagot si Digol, tumayo ito at tinungo ang kinaroroo-nan ng oil painting. Inalis iyon sa pagkakasabit. Dinala sa isang sulok.
‘‘Tinanggal ko na po, Mam Siony.’’

“Salamat Digol. Maaa-sahan ka talaga.’’

“Ano po yung panga-lawang kahilingan mo, Mam Siony?’’

“Gusto ko sana, huwag mo nang sabihin kay Troy na nagpunta ako rito. Puwede Digol?’’

Opo, Mam Siony. Wala pong problema.”

“Kapag nagtungo rito si Troy at nakita na wala ang painting, ano ang   sasabihin mong da­ hilan?’’

“Ako na po ang baha­lang mag-isip, Mam Sio­ny. Basta hindi po niya malalaman na ikaw ang nag-utos sa akin na alisin ang painting. Tayo lamang pong dalawa ang makaaalam nang lahat, Mam Siony.’’

“Salamat, Digol. Ma­aasahan ka talaga.’’

Nagpaalam na si Mam Siony.

Inilabas naman ni Digol ang painting at dinala sa likod ng bahay.

(Itutuloy)

ANO

DIGOL

KAYA

KREAMY

MAM

MAM SIONY

SIONY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with