^

True Confessions

ALAKDAN(269)

Pilipino Star Ngayon

“KUNG aalis ka rito, Pinsan, paano ako? Sakitin na ako. Wala nang tatanggap sa akin dahil sa kalagayan ko...’’

‘‘Isasama naman kita. Ngayon pa ba kita iiwan e kinupkop mo rin ako noong bagong salta ako rito sa Maynila.’’

“Salamat, Pinsan.’’

“Alam mo kung bakit gusto kong umalis dito, Digol? Nahihiya kasi ako kay Kreamy. Kahit na sinabi ko nang lahat kay Mam Siony ang dahilan kung bakit ako nakipag­relasyon kay Mayette, narito pa rin ang guilt sa puso ko. Kasi nga, nangako ako kay Kreamy noon na hindi na dadagdagan ang kasalanan ni Ma-yette pero hindi ko iyon natupad. Sabi naman ni Mam Siony maiintindihan naman ni Kreamy ang nangyari.’’

‘‘Yun naman pala e bakit nahihiya ka at gusto mong umalis dito. Hindi ka naman pala pinaaalis. Kung ako sa’yo dito na muna tayo. At least naaalagaan natin itong property ni Kreamy…’’

“Yun nga ang sabi ni Mam Siony. Dumito raw muna tayo.’’

‘‘E di ganun na nga ang gawin natin. At saka alam mo Pinsan, napa­mahal na sa akin ang bahay na ito. Marami ring magandang alaala na nangyari sa akin dito.’’

Nag-isip si Troy.

‘‘E kung dito ka lang Digol at ako na lang ang lilipat. Dadalawin na lang kita rito nang madalas. Parang ikaw na ang katiwala ng dalawang bahay na ito. Dadalhan kita ng supply mo. Lahat nang kailangan mo rito.’’

Nag-isip naman si Digol.

“Talaga bang hindi  kita mapipigil, Troy?’’

“Pinag-isipan ko ito, Digol. Kung dito ako nakatira para bang masyado nang bumaba ang sarili ko. Ayaw kong makikita ako rito ni Kreamy.’’

“Sige, Pinsan. E saan mo naman balak tumira?’’

“Meron akong hinu­hulugang condo unit malapit sa office namin. Halos katabi nga lang kaya wala akong problema sa pagpasok. Kahit mag-overtime ako nang mag-overtime, walang problema sa pag-uwi.’’

“Suwerte mo talaga, Pinsan. Ang dami mo na sigurong ipon ano?’’

“Hindi pa naman ga­ano.’’

“Kung naging katu-  lad mo sana ako baka hindi ganito ang kinasadlakan ko. Inuna ko kasi ang pasarap sa buhay. Akala ko hindi mauubos ang perang hinuhuthot ko kay Mayette yun pala saglit lang. Sana ay nag-aral din ako katulad mo. Sana propesyunal ako ngayon…’’

“Nakalipas na yun. Pagbutihan mo na lang ngayon ang pagbabantay sa property ni Kreamy. Matutuwa yun kapag nalamang mi-nahal mo ang ari-arian ng papa niya.’’

“May posibilidad kaya na magtungo rito si Kreamy?’’

“Hindi ko masabi, Digol. Kasi masyadong busy raw si Kreamy. Mataas na pala ang posisyon niya sa trabaho niya. Madalas din na nasa ibang bansa. Kung magtungo naman siya rito, ikaw na ang magsabi na lumipat na ako ng ibang tirahan.’’

‘‘Sige Pinsan. Basta yung pangako mo na hindi mo ako pababa­yaan. Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko.’’

‘‘Oo. Huwag kang mag-alala at sagot kita.’’

(Itutuloy)

AKO

DIGOL

KREAMY

LSQUO

MAM SIONY

NAMAN

PINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with