^

True Confessions

Alakdan (249)

Pilipino Star Ngayon

“HINDI ko alam kung anong klaseng damdamin ang nakapangyari sa akin at nang Biyernes na iyon ay nagtungo uli ako sa Batha. Nagpaalam uli ako sa aking mga amo na wala namang pagtutol sapagkat kailangan ko raw magli-bang at makipag-usap sa mga kababayan. Hindi raw lahat ay pawang trabaho ang atupagin ko.

“Sa dating store na malapit sa Al-Rahji Bank ako nagtungo. Pawang mga Pinoy na naman ang nakita ko sa loob ng store. May               mga mag-asawa na bumibili para sa isang linggo nilang supply. May mga Pinoy na bumibili ng kanilang pampasalubong na chocolate sa pag-uwi nila sa Pilipinas at kung anu-ano pang mga produkto. Marami rin kasing nabibili sa store na iyon.

“Nang dumating ako, wala pa si Dolfo. Kunwari ay pumipili ako ng mga produktong galing sa Pinas. Inilagay ko sa basket ang mga pinili kong mani na gawang Pinas. Dina­mihan ko na ang mga mani sapagkat sarap na sarap ako sa mga iyon.

‘‘Maya-maya pa, may na­rinig akong nagsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko ay si Dolfo. Nakangiti siya. Tinanong kung matagal na akong naghihintay. Hindi ako sumagot. Para bang nagpakipot pa ako. At saka baka marinig ng iba pang namimili ay kung ano ang mangyari sa amin. Bawal sa public na lugar na mag-usap ang lalaki at babae na walang relasyon.

“Para walang makarinig ay lumayo ako at nagtungo sa dakong kakaunti ang namimili ng paninda. Sumunod sa akin si Dolfo. Kunwari ay hindi kami magkakilala. Mahina lang ang usapan namin pero malinaw kong naririnig. Sabi niya, mabuti raw at dumating ako. Aanyayahan daw niya ako na mag-outing sa Biyernes. Sa Diriyah daw pupunta. Dalawang pamilya raw ang aming kasama. Wala raw problema sa pagkain at sasakyan.

“Hindi ako makapag-decide. Natatakot kasi ako. Baka may mga motawa roon at hanapan kami ng papeles. Delikado. Pero mahusay kumumbinsi si Dolfo. Wala raw problema. Huwag daw akong matakot.

“Pumayag din ako. Kasi’y gusto ko rin naman na makipagkuwentuhan sa mga kababayan.

“Ang tagpuan daw ay dito rin sa Batha ganap na alas-siyete ng umaga. Mabuti na raw ang maaga para hindi abutin ng init. Excited ako sa outing na iyon…” (Itutuloy)

AKO

AL-RAHJI BANK

BATHA

BIYERNES

DOLFO

NANG

PINOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with