Alakdan(233)
SEMENTADO ang kalsada papasok sa marami pang kabahayan. Pawang traysikel ang nakikita nina Troy at Digol na bu mibiyahe. Sa mag-kabilang gilid ng kalsada ay may mga tanim na lansones, kape, saging at niyog. Ang mga bahay ay gawa sa hollow block at yero ang bubong. Ang ilan ay walang bakod. May mga sari-sari store sila na nadaanan.
“Malayo pa kaya, Pinsan?’’ tanong ni Digol. Humihingal ito.
“Magtatanong tayo sa taong kasalubong natin.’’
“Napapagod na ako Pinsan. Uhaw na uhaw na rin ako.’’
“Teka at magtatanong ako sa tindahan. Bili na rin tayo ng sofdrink.’’
Tinungo nila ang tindahan. Bumili ng dalawang softdrink. Malamig na malamig ang sofdrink na ibinigay ng babaeng tindera.
“Pakibuksan na po, Ate,†sabi ni Troy. ‘‘Eto ang bayad.’’
Binuksan ang softdrink at iniabot kay Troy. Nang iabot naman ni Troy ang softdrink kay Digol ay agad nitong ininom. Uhaw na uhaw si Digol. Naawa siya sa pinsan. Baka magtraysikel na sila kapag malayo pa ang kina Siony. Baka kung mapaano si Digol. Mahina na ang katawan nito.
“Pinsan, itanong mo kung saan ang kina Siony,’’ sabi ni Digol makaraang ubusin ang softdrink.
Itinanong ni Troy sa tindera.
“Ate kilala mo ba si Siony? Dito raw nakatira sa lugar na ito.’’
‘‘Siony? Anong apelyido?’’
‘‘Hindi ko alam ang apelÂyido niya. Pero siya ay da-ting nagtrabaho sa Saudi.’’
“Marami kasing nagtrabaho rito sa Saudi. Mga DH…â€
“Oo. May kilala ka?’’
“Teka at itatanong ko sa asawa ko.’’
Pumasok sa loob ang babae.
“Parang hindi kilala si Siony dito, Pinsan.’’
“Pero sabi sa sulat di ba kilala sila rito.’’
Lumabas ang babae.
‘‘Walang kilalang Siony ang mister ko. Kasi’y bago rin kasi kami rito. Kalilipat lang namin noong isang buwan lang.’’
“Ah, sige po Ate. Salamat po.’’
“Diyan kayo magtanong sa malapit sa barangay. Sigurado alam nila dahil sila ang mga orig dito’’
‘‘Salamat po, Ate.’’
Lakad uli sila.
‘‘Gusto mo magtraysikel tayo, Digol.’’
“Huwag na. Magtanong muna tayo diyan sa may barangay. Kung malayo pa, saka tayo magtraysikel.’’
Tinungo nila ang barangay. Tamang-tama na isang barangay tanod ang nasa may labas ng barangay hall. Nilapitan.
“Kuya, may kilala ka bang Siony. Yung nag-Saudi.’’
“Siony? Teka. May alam akong Siony pero hindi ko alam kung siya yun.’’
“Saan siya nakatira, Kuya.’’
“Deretso kayo diyan sa kalsadang ‘yan. Yung pa-ngatlong kanto sa kaliwa, yun ang bahay ni Siony. Pero hindi ako sigurado kung siya yun ha.’’
Nabuhayan ng pag-asa sina Troy at Digol.
“Salamat, Kuya.’’
Lumakad na ang dalaÂwa.
“Palagay ko, diyan na nga nakatira si Siony, Pinsan.’’
Narating nila ang pa-ngatlong kanto. Tumawid sila sa kabila. Nakita nila ang isang bahay na kulay asul at puti. Dalawang palapag. Sa paligid ay may mga tanim na santan na pulang-pula ang bulaklak.
Isang lalaki ang nasa tapat ng bahay. Mga mahigit 60-anyos marahil ang lalaki. Mukhang mabait. Nilapitan nila.
‘‘Manong magandang tanghali po.’’
‘‘Magandang tanghali naman sa inyo.’’
‘‘Magtatanong lang po kung dito nakatira si Siony.’’
‘‘Bahay ito ni Siony. Pamangkin ko si Siony.’’
‘‘Si Siony po ay yung nag-Saudi, ano po?’’
Napatingin ang ma-tanda kina Troy at Digol. Nagtataka o nagdududa?
(Itutuloy)
- Latest