Alakdan (226)
Tiningnan ni Troy ang laman ng handbag. Mga picture album, sulat at isang boteng pabango na pambabae.
“Kanino kaya ito?’’
“Tingnan mo ang picture, Troy para makilala mo.”
Kinuha ni Troy ang isang photo album. Binuklat. Nakita niya ang isang babae na nakasuot ng itim na damit at may belo. Hindi niya kilala. Sunod na nakita ni Troy ay ang babae at isang lalaki na nang tingnan niyang mabuti ay ang asawa ni Mayette o papa ni Kreamy.
“Hindi kaya ito ang mama ni Kreamy, Digol?’’
“Posible, Pinsan. Sige buklatin mo pa.’’
Nakita ni Troy na magkasama ang babae at ama ni Kreamy at ang background ay ang dates o pambansang puno sa Saudi Arabia. Maraming bunga ang dates.
Binuklat pa niya. May mga kasama na sa photo ang dalawa. Mga babae at lalaki na pare-pareha. Parang disyerto ang lugar. Pawang mga naka-itim na damit ang mga babae.
“Tingnan mo ang likod ng picture at baka may nakasulat na pangalan,’’ sabi ni Digol.
Tiningnan ni Troy.
“Walang nakasulat.’’
‘‘Siguro para walang ebidensiya kaya hindi sinulatan.’’
Binuklat pa ni Troy ang ilalim ng bag.
Isang sulat ang binuksan niya.
Sa unang paragraph pa lamang napansin ni Troy na sulat iyon ng babae sa lalaki – love letter. Nang tingnan niya ang nakalagda sa hulihan ng sulat, nakalagay ang pa-ngalang SIONY.
“Teka yan nga yata ang pangalan ng babae. Iyan ang narinig ko kay Ma-yette,” sabi ni Digol.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending