^

True Confessions

Alakdan(217)

- The Philippine Star

“Tuliro na ang isip ko. Lakad ako nang lakad. Walang direksiyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa tindi ng depression ay naisip kong magpasagasa na…’’ sabi ni Digol na bakas na bakas sa boses ang matinding kabiguan.

“Anong nangyari, Digol.’’

“Natakot ako. Hindi ko kayang magpakamatay. Kahit pa putol na ang “kaligayahan” ko may nakikita pa rin akong pag-asa. Hanggang sa maisipan kong magbalik dito. Hihingi ako ng tawad kay Mayette. Sabi ko sa sarili ko, kapag napatawad ako ni Mayette ay baka mabawasan na ang mga pabigat at dalahin sa dibdib ko.

“Pero yun pala, patay na si Mayette. Sa-yang at hindi ko man lang naabutang buhay. Matagal din ang pinagsamahan namin ni Mayette. Marami rin akong napakinabang sa kanya. Sana ay hindi na ako naghanap pa ng ibang pugad at naging matapat na lang sa kanya. Siguro, baka meron pa akong nakalawit hanggang ngayon…’’

Napangiti si Troy sa sinabi ng pinsan. Hanggang sa mapatitig siya kay Digol. Sa haba ng kinuwento nito ukol sa mga nangyari sa buhay, walang nabanggit ukol kay Kreamy.

“Hindi ba kayo nagsama ni Kreamy?” tanong ni Troy. Marahan ang pagkakasabi niya.

“Kreamy? Sinong Kreamy?” Tila hinahagilap ni Digol sa isip kung sino si Kreamy. Pero hindi maalala. “Sino nga ba si Kreamy, pinsan. Malilimutin na ako. Mula nang maputol ang isang “ulo” ko, pumurol na rin itong ulo ko.’’

“Si Kreamy na anak ni Mayette. Yung magandang anak ni Mayette.’’

“Ah oo. Naalala ko na. E, bakit naman naitanong mo kung nagsama kami? Ibig mo bang itanong ay kung nagkaroon kami ng relasyon?”

“Oo.’’

“Hindi. Natatandaan ko, nagkaharap kami ni Kreamy nang puntahan ako diyan sa bahay sa tapat. Pinakiusapan ako na hiwalayan ang mama niya. Tapos natatandaan ko, muntik na siyang mahuli ni Mayette habang nasa bahay pero pinagtago ko siya sa ilalim ng kama. Kasi’y tiyak na bubugbugin siya ni Mayette kapag nakita. Naawa ako kaya pinagtago ko. Pero walang namagitan sa amin. Mabait na bata si Kreamy at magalang. Nangako nga ako sa kanya na hihiwalayan na ang mama niya…”

Nakatingin si Troy kay Digol. Walang kakurap-kurap. Ngayon ay unti-unti nang nag­liliwanag ang lahat.

(Itutuloy)

AKO

DIGOL

HANGGANG

KREAMY

MAYETTE

PERO

SI KREAMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with