^

True Confessions

Alakdan (215)

- The Philippine Star

“NATANGAY ako kay Emma, Troy,” sabi ni Digol. “Sino ba naman ang hindi matutukso e halos isampal na niya sa mukha ko ang mga suso niya.’’

“Nagkaroon kayo ng relasyon ng matronang si Emma?”

“Oo, Pinsan.’’

“Paano si Consuelo o Sue?”

“Iniwanan ko. Ewan ko sira-ulo yata ang ulo ko. Ang matindi, lahat ng pera namin ay tinangay ko. Sinimot ko ang pera namin. Naakit kasi ako kay Emma na bukod sa masabaw ay mas mayaman kaysa Sue…’’

Tumigil at bumuntonghininga si Digol. Napailing-iling. Nagsisisi.

“Anong nangyari pagkatapos?”

“Nang nagsasama na kami ni Emma, nalaman ko na nagpakamatay si Sue. Uminom ng lason. Shock ako. Si Emma naman ay nakangiti lang. Parang natutuwa pa sa nangyari. Hanggang sa malaman ko na hinahan­ting ako ng mga lalaking anak ni Sue. Papatayin daw ako dahil sa ginawa ko sa kanilang mama. Pero sabi ni Emma, huwag akong matakot dahil bibigyan niya ako ng dalawang bodyguard. Napanatag ang kalooban ko sa sinabi ni Emma.

“Nagmahalan kami nang todo ni Emma. Masabaw pa nga siya. Kahit may edad na, okey pa ring lumaban. Hiwalay sa asawa si Emma. May isang anak na nasa US.

“Ang hindi ko nagustuhan kay Emma ay selosa. Kapag napatingin lang ako sa isang tsik, nagseselos na. Ayaw niyang may kakausapin ako. Sinabi naman niya na selosa siya. Kaya para raw huwag ka­ming mag-away, huwag akong makikipag-usap sa babae­.

“Pero hindi naman puwede na hindi ako makipag-usap sa babae dahil ako ang manager ng resort na pag-aari niya. Marami akong nakausap na babae. Magaganda.

“Hanggang sa meron na namang isang matrona­ na nagpakita ng interes sa akin habang nagbabakasyon. Natikman ko ang matrona noon din. Nalaman ni Emma. Isang gabi, ginantihan ako…”

(Itutuloy)

AKO

ANONG

AYAW

CONSUELO

DIGOL

EMMA

HANGGANG

PERO

SI EMMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with