Alakdan (201)
Ngayon lang naisip ni Troy na tama si Mama Mayette. Hindi nga nararapat pag-ukulan ng kung ano pa mang damdamin o maski awa si Kreamy dahil malandi at sinungaling itong babae. Ang katulad niya ay hindi dapat magkapuwang sa puso. Sayang lamang ang mga panahon na ginugol sa pag-iisip sa kanya. Imagine, pinagpaguran pa niyang makita ang babaing iyon na wala naman palang kuwenta. Mabuti na lamang at nasabi ni Mayette ang tunay na ugali ni Kreamy. Ngayon ay madali na niyang malilimutan ang babae.
Lingid naman pala kay Troy, nagsasaya nang lihim si Mayette ng mga oras na iyon. Ang dahilan, tagumpay siyang napaniwala si Troy ukol sa ugali ni Kreamy. Wala namang katotohanan ang mga sinabi niya kay Troy ukol kay Kreamy. Katha lamang ang mga iyon. Pawang kasinungalingan ang mga sinabi ni Mayette kay Troy ukol kay Kreamy.
Minsan, papasok si Troy sa school nang bigla ay may naisip siyang itanong kay Mayette.
‘‘Kung bumalik si Digol sa iyo, tatanggapin mo?’
‘‘Ano ako sira? Nalawayan na siya ng mga matrona ay lalawayan ko pa. Baka pagsusuntukin ko siya.’’
‘‘Kahit magmakaawa, hindi mo tatanggapin?’’
‘‘Hindi.’’
“Bakit naman?’’
“Masakit ang ginawa niya sa akin.’’
“Mahirap kalimutan ang ginawa sa iyo?
‘‘Oo. Lalo nang malaman ko na pati ang babaing malandi ay tinuhog din niya.’’
“Halimbawa at magkita kami ngayon ni Digol at nakiusap sa akin para sumama rito anong gagawin ko?’’
“Huwag mong isasama. Baka magkagulo rito.’’
Talagang galit si Mayette kay Digol.
Mula noon, pinaghusayan pa ni Troy ang pag-aaral. Ilang buwan na lang at malapit na silang magtapos. Maghahanap agad siya ng trabaho para hindi na pabigat kay Mayette.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending