NAKAHANDA na sa ganoong sitwasyon si Troy. Mayroon na siyang nakahandang notebook sa ilalim ng table at iyon ang ibinigay niya kay Mayette.
“Etong binabasa ko. Meron pa kaming exam bukas.’’
Pahablot na kinuha ni Mayette. Binuklat. Binasa. Pagkatapos ay tumingin kay Troy.
“Akala ko tapos na ang exam n’yo?”
“Sinong may sabi sa’yo?”
“Ikaw?”
“Ulyanin ka na yata.”
“Uy di pa ako ulyanin ha?”
“Meron pa kaming exam bukas at iyan ang binabasa ko. Naabala mo na nga ako. Baka bumagsak pa ako dahil sa pang-iistorbo mo.’’
“E kasi’y bigla kang nawala sa tabi ko. Di ba magkatabi tayo?”
“Oo nga. Naisipan kong ngayon na magrebyu dahil hindi ako makatulog.”
“Bakit?”
“Ang lakas mong maghilik.”
Natameme si Mayette. Napahiya yata.
Isinauli ang notebook kay Troy.
“O ayan. Akala ko kung ano ang binabasa mo.’’
“Ano naman ang babasahin ko?”
Hindi nagsalita si Ma-yette.
Para mawala ang hinala. Tumayo si Troy. Inak bayan si Mayette.
“Halika na. Matulog na tayo. Bukas na lang ng umaga ko ipagpapatuloy ang pagrerebyu…”
Niyakap siya ni Ma-yette. May nararamda-man si Troy.
“Para masarap ang tulog natin, maglaro tayo, Troy…’’
Sabi na nga ba at may ibig sabihin ang pagyakap ni Mayette. Kailangang pagbigyan niya ito para tuluyang mawala ang paghihinala. Bukas ng umaga, itatago niya nang todo ang diary ni Kreamy. Kapag nakita iyon ni Mayette, hindi na siya pagtitiwalaan. Aakalain nito na kapag nag-aaral siya ng leksiyon ay ang diary ang binabasa niya. At sigurado, kapag nakita ni Mayette ang diary, sisirain iyon. Wala na siyang malalaman ukol kay Kreamy.
Hinila siya ni Mayette patungo sa silid. Nagtataka naman siya na sa kabila ng malaking deperensiya ng edad nila ni Mayette ay mainit pa rin ito. “Hot mama” talaga! Hindi kaya may tini-take na gamot ang matronang ito?
“Ano Troy, alis na ‘yan!”
Nagulat pa si Troy. Nasa silid na pala sila at talop na talop na si “hot mama”.
Ibibigay niya ang hilig ni “hot mama”. Kailangang maibigay niya para mawala ang paghihinala.
(Itutuloy)