^

True Confessions

Alakdan (184)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

Paulit-Ulit na tiningnan ni Mama Mayette ang mga grade ni Troy. Para bang napawi ang pagod at mga hirap niya dahil napakatataas ng grade nito. Sulit na sulit ang ginagastos niya.

“Bilib na talaga ako sa’yo Troy! Ang tataas ng grades mo! Baka maging summa cum laude ka ah!”

“Hindi naman!”

“Ang tataas eh. Lalo na itong isang ito, uno ang grade mo. Anong subject ba ito?”

“Painting yan.’’

“Eto ba yung may model na babae. Yung hubad ang babae?”

“Oo.’’

“E di ang galing mo nga.’’

“Hindi naman masyado. Tiyagaan lang ang pag-aaral. Praktis nang praktis.’’

“Siyanga pala Troy, kailan mo ako idudrowing. Gusto ko rin yung nakahubad…’’

Napangiwi si Troy.

“O ba’t ka napangiwi?”

“Wala.’’

“Sinabi ko lang na magpapadrowing ako nang hubad, napangiwi ka na.’’

“Kasi’y maraming oil paint ang magagastos kapag dinrowing kita. Ang mahal pa naman ng pintura.’’

“E ano kung mahal, marami naman akong ibibili ng pintura.’’

“Gusto mo ba talaga hubad?”

“Oo.’’

“Bakit? Puwede naman nakadamit ka.’’

“Gusto ko hubad talaga. Yung kita ang suso ko at bahagi ng ano ko.’’

Napalunok si Troy. Iba talaga si Mayette. Sabagay puwede na ring subject si Mayette. Yun ngang model nila sa painting class e kulu-kulubot na ang balat. At kapag ganoong kulu-kulubot ay isang challenge sa artist. Doon lulutang ang husay ng isang artist. At kaya Uno ang grade niya sa painting subject ay dahil nakuha niya nang buung-buo at nailarawan sa pamamagitan ng pinsel ang balat ng babae.

“Ano, Troy, kailan mo ako ipi-paint?”

“Kapag tapos na ang final exam namin. Huwag ngayon dahil ang dami kong pinag-aaralan.’’

“Hindi naman ngayon. Kapag maluwag ka na. Pero sa palagay mo, maganda ang kalalabasan kapag ako ang model mo? Makukuha mo kaya ako nang maayos. Kamukhang-kamukha ko kaya?”

“Oo naman.”

“Gusto ko yung malaking kuwadro. Palalagyan ko nang magandang frame tapos   dito ko sa salas ilalagay.’’

Napatangu-tango si Troy.

“Excited ako Troy. Kasi noon ko pa talaga pangarap na magkaroon ng sariling frame ng sarili ko. E sabi, ma­hal daw magpagawa niyan sa artist. Yun ngang pinagtanungan ko sa Quiapo na nagdudrowing sa tabi-tabi roon e sinisingil ako ng P5,000…’’

“Sana pumayag ka na. Mura na yun.’’

“Ayaw ko. Kasi’y mukhang rapist ang artist. Baka paghubad na ako sa harap niya e demonyohin at kung ano ang gawin sa akin…’’

Napangisi si Troy.

“Ba’t ka napangisi?”

“Wala lang.”

“Mayroon kang naiisip ano?”

“Wala!’’

Kinurot siya sa singit ni Ma­ yette. Muntik nang mahagip ang “ano” niya. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

KAPAG

KASI

MAMA MAYETTE

OO

TROY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with