^

True Confessions

Alakdan (183)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

SAKA na lang niya itutuloy ang pagbabasa ng diary ni Kreamy. Marami pa siyang babasahin. Makapal ang diary at hindi pa siya nanganga­lahati. Pinagbuhusan nang panahon ni Kreamy ang pagsusulat sa diary. At malay ba niya kung sa diary ay makakuha siya ng inpormasyon kung nasaan si Kreamy. Baka may mabanggit ito sa diary na magtuturo kung saan nakatira.

Itinago niya ang dia­ry. Siniguro niyang hindi makikita ni Mayette. Kapag nakita ito ni Mayette, tiyak na malaking pro­blema. Masyadong ma­laki ang galit ni Ma­­ yette kay Kreamy sapagkat hindi niya ito anak. Ang galit sa kanyang asawa ay ibinunton lahat kay Kreamy. Kawawang Kreamy na maraming inabot na pahirap at sakit ng kalooban sa nakila-lang ina! Sana ay magkita sila ni Kreamy balang araw. Kapag may libre siyang oras, pupunta uli siya sa shopping mall na kinakitaan dito. Hindi siya maaaring magkamali na si Kreamy ang nakita sa mall.

Kapag nagkita sila ni Kreamy, at least mayroon na siyang ipagmamalaki rito. Nag-aaral siya at sa darating na panahon ay makakatapos at magkaka­roon nang maayos na trabaho. Hindi na siya ma­ ngi­ngimi sa paghaharap nila ni Kreamy. Ang isang ikinatatakot niya ay kapag nalaman ni Kreamy na nakipagrelasyon siya kay Mayette. Noon pa, sinabi na sa kanya ni Kreamy na huwag nang dagdagan ang kasalanan ng kanyang mama. Nakiusap ito noon na huwag papatulan ang panunukso ng kanyang nakagisnang ina.

Kung magkikita sila, ipaliliwanag niya kay Kreamy ang lahat kung bakit nangyari iyon. Mauunawaan naman siguro siya ni Kreamy.

PINAGBUTI ni Troy ang pag-aaral. Lumabas ang tunay niyang talento sa pagguhit. Kinakitaan siya nang husay. Matataas ang kanyang grado. Nangu-nguna siya sa klase.

Tuwang-tuwa naman si Mayette kapag ipinakikita ni Troy ang kanyang grado. Sabi ni Mayette, hindi siya nagkamali sa pagpili kay Troy. (Itutuloy)

vuukle comment

ITINAGO

ITUTULOY

KAPAG

KAWAWANG KREAMY

KINAKITAAN

KREAMY

MAYETTE

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with