^

True Confessions

Alakdan (172)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

Parang sawa si Mama Mayette na nililingkis si Troy. Kasyang-kasya sila sa sopa. Noong una, hindi agad makuha ni Troy kung ano ang nangyayari sa kanya. Nananaginip yata siya. May humahalik sa kanya. Mula sa pisngi patungo sa leeg. Hanggang pababa nang pababa. Humantong sa tiyan, puson at doon.

Saka lamang lubusang nagbalik ang katinuan ni Troy. Napangiti siya. Si Mama Mayette ang gumagawa niyon. Sabi na nga ba’t hindi siya matitiis. Siguro ay napag-isip-isip na hindi siya dapat magalit.

Hinayaan niya si Ma-ma Mayette. Nagkunwari siyang tulog. Pinilit niyang huwag humagikgik kahit na nakikiliti siya. Pipilitin niyang huwag magtawa o kaya’y kumilos. Sige lang…

Ipinagpatuloy ni Mama Mayette ang ginagawa. Talagang sanay na sanay na ang matrona sa mga gagawin. Kabisadung-kabisado na kung ano ang bubuksan at hihilahin. Alam na alam kung paano “bubuhayin ang patay”. Naaalala ni Troy, minsan ay nagtungo na si Mayette sa kuwartong dating tirahan. Natutulog din siya at pinipilit siya pero ayaw niya. Nang mainis siya ay kusa niyang ipinakita ang pinagnanasaan ni Ma-yette. Nanlaki ang mga mata ni Mayette nang makita ang pinagnanasaan. Hindi inaasahan na ganoon ang itsura ng “nakatago”. Napamaang si Mayette sapagkat pinkish na pinkish na halatang wala pang karanasan. Noon nagsimulang magwala sa pagnanasa si Mama Mayette.

Napangiti si Troy sapagkat sa matrona rin pala siya babagsak. Ito rin pala ang makikinabang ng kanyang “kabirhenan”. Yun nga lang, masyadong selosa at masakit magsalita. Madaling mag-init ang ulo at ang akala’y lagi siyang niloloko.

Hinayaan niya si Ma-yette sa ginagawa. Parang sanggol na naman ito na tila walang kamuwang-muwang sa ginagawa. Wala naman siyang magagawa kundi magpaubaya sa matrona. Hayaan na niyang matunaw na lahat ang galit.

Nang matapos ang ma­trona sa ginagawa ay narinig niya ang pagbulong sa kaliwang taynga.

“Troy! Troy!”

Umungol lamang siya.

“Sori, Troy!”

Umungol uli siya bilang pagsang-ayon.

Pinaupo siya sa sopa. Hinalikan. Mainit na mainit na si Mayette.

Alam na ni Troy ang ga­gawin. Humingi na ng sori ang matrona kaya dapat tanggapin niya.

Siya naman ang gumawa ng kakaibang kilos para masiyahan ang mat­rona. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

HINAYAAN

MAMA MAYETTE

MAYETTE

NANG

NAPANGITI

SI MAMA MAYETTE

SIYA

TROY

UMUNGOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with