Alakdan (169)
SI Troy ang pinaka-matanda sa klase nila sa Fine Arts. Ang mga kaklase niya ay 16-anyos samantalang siya ay 24-an-yos. Pero hindi iyon nakasira sa pangarap ni Troy. Ipinakita niya sa mga kaklase na kaya rin niyang makipagsabayan sa pag-aaral kahit may edad na. Ibubuhos niya ang panahon sa pag-aaaral. Papantayan niya o hihigitan pa ang mga kaklase.
Paghuhusayan niya para naman hindi masayang ang pagpapaaral sa kanya ni Mayette. Kapag nakatapos siya, hindi na siya matatakot magutom. Hindi na siya magmamakaawa para lamang makakain. Sa dakong huli, kapag maayos na siyang kumikita, ang lahat nang ginastos sa kanya ni Mayette ibabalik niya rito. Kahit na ba, pinagsawaan ni Mayette ang katawan at kabirhenan niya, ibabalik pa rin niya rito ang lahat nang ginastos.
Minsan, inabot ng alas kuwatro ng hapon si Troy sa pag-uwi. Nag-research pa kasi siya sa library ukol sa arts. Masyadong mahal ang libro sa National kaya sa library na lang siya nagbasa.
Galit si Mama Ma-yette. Nakaupo sa sopa at nakasimangot nang dumating siya.
Hinalikan niya sa labi para mawala ang simangot. Pero hindi tuminag. Talagang galit.
“Bakit ngayon ka lang? Di ba ala-una ang labas mo sa school?”
“Nag-library ako.”
“Baka may iba kang nililigawan? Huwag mo akong lolo-kohin, Troy?”
Hindi makapagsalita si Troy. Grabeng selosa ni Mayette.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending