^

True Confessions

Alakdan (165)

- The Philippine Star

MAKAHULUGAN ang tingin ni Mama Mayette kay Troy nang sabihin nitong gusto niyang mag-aral sa kolehiyo.

“Mag-aaral ka, Troy? Baka ikaw ang pinaka-matanda sa klase?”

“Eh ano naman kung ako ang matanda. Meron nga lolo at lola na, nag-aaral pa sa high school.’’

“Baka mailang ka sa mga kaklase mo, Troy?”

“Hindi.”

“Sigurado ka ba sa naisip mong ‘yan?’’

“Oo naman. Gusto ko makatapos ng college.’’

Halatang atubili si Ma­yette. Parang ayaw pu­mayag sa hiling ni Troy.

“Ayaw mo yata, Ma-yette…” tanong ni Troy.

“Payag ako, ang ina­alala ko lang ay baka ka pagtawanan ng mga ka-klase mo.”

“Hindi ako pagtatawanan. Baka sila pa pagtawanan ko.”

“E ano namang kurso ang kukunin mo?”

“Fine arts ang gusto ko. Mahilig akong mag-drawing at magdesign. Noong nasa high school ako e ako ang artist ng aming school organ.’’

“Talaga. Aba e di puwede mo pala akong idro­wing.’’

“Sige. Pero wala pa akong mga gamit.’’

“Puwede mo akong idro­wing na nakahubad?”

Napalunok si Troy. Ibang klase ang matronang ito na gusto pang ilantad ang katawan.

“Ano Troy, kaya mo akong idrowing nang hubad?

“Oo naman.”

“Noon ko pa gustong mag­pose nang nakahubad kaya lang nahihiya ako.’’

“Bakit ka mahihiya e maganda naman ang body mo?”

Napangiti si Mama Ma­yette.

“Talaga Troy? Maganda ba ang katawan ko?”

“Oo. Hindi ka halatang 70,’’ sabi at nagtawa si Troy.

“Sira! Wala pa akong 70. Magsi-sixty pa lang ako.’’

“Ganun ba? Mukha kang bata.’’

Nilapitan ni Mama Ma-yette si Troy at niyakap.

“Sige sa sunod na semester, mag-enroll ka. Sasamahan kita sa pag-eenrol.”

Nasiyahan si Troy. At least may mangyayari sa buhay niya.

KAPAG nakakalingat si Mama Mayette ay bina-basa ni Troy ang diary ni Kreamy. Kung minsan, sa loob ng CR niya binabasa. Nagulat siya sa mga nakasulat sa diary. (Itutuloy)

AKO

ANO TROY

MAMA MA

MAMA MAYETTE

OO

SHY

TROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with