INAASAHAN na ni Troy ang mga mangyayari sa kanila. Noong nagutom siya at sumuko kay Mama Mayette, alam niyang ang kanyang katawan ang kapalit. At eto na nga. Sa isang banda, naisip niya kaysa naman magbenta siya ng laman o “hotdog” sa Recto o kaya ay Rizal Avenue, mas maganda na itong isang babae na lang ang nakikinabang sa kanya. Baka kung kani-kanino niya ibenta ang “hotdog” ay magka-AIDS pa siya. At least nakasisiguro siyang walang AIDS si Mama Mayette. Kung may AIDS ito, e di sana nadale na ang pinsan niyang si Digol. Matagal din sina Digol at Mama Mayette. Nasaan na kaya ang hinayupak niyang pinsan? Sabi ay sa malayo raw sila pupunta ng kanyang nadagit na matrona na ang pangalan ay Consuelo o Sue. Baka mayaman na ang hinayupak?
“Troy, ano at natitigilan ka?’’ sabi ni Mama Mayette na wala na palang saplot at nakalatag ang katawan sa kama. Pinatay na ang ilaw kaya naaaninag na lang niya ang katawan ng matrona.
Inaasahan na ni Troy na magagamit nang husto ang enerhiya niya sa matrona. Pero bilib din talaga siya kay Mama Mayette. May edad na pero ang bagsik pa ng libido.
Tinanggal na rin niya ang saplot at tinabihan ang matrona. Kahit madilim, nababanaag niya ang mukha ng matrona. Maligaya ito. Kahit sa dilim nakita niya ang kislap ng mga mata. Saglit lang namang paligayahin si Mama Mayette. Hindi na mahirap ang pakikihamok. At saka alam na niya kung saang parte magko-concentrate para tiyakin na lalo pang liligaya sa piling niya ang matrona.
Ginawa niya. At ganoon nga ang nangyari. Saglit lang tapos na ang pakikipaghamok. Maligaya na naman ang matrona. Maya-maya lang tulog na ito. Nakangiti pa nang matulog.
Nakadilat naman si Troy matapos ang pakikihamok. Nakaraos na naman ang isa niyang gabi. Bukas, tiyak mabagsik na naman ang libido ng matrona.
Iginala ni Troy ang paningin. Malinaw na niyang nakikita ang kabuuan ng kuwarto. Ganito pala ang motel.
Hanggang sa ma ispatan niya ang handbag ni Mama Mayette.
Naisip ni Troy, hindi kaya nasa bag ang hinahanap niyang susi?
Dahan-dahan siyang bumangon at tinungo ang bag. Dahan-dahang binuksan. Tiningnan kung naroon ang susi ng kuwarto ni Kreamy.
(Itutuloy)