Alakdan (158)
KINAPA-KAPA ni Troy ang ilalim ng drawer. Puro papel ang nakapa niya. Walang susi.
Ang nasa ibabang drawer naman ang hinila niya. Kinapa-kapa. Wala rin doon. Pawang mga dokumento yata ang nasa drawer.
Kinabahan si Troy nang maramdamang kumilos si Mama Ma-yette sa pagkakahiga. Hindi siya makakikos. Baka biglang magmulat ang mga mata ay huling-huli siya sa gina gawa.
Pero patuloy pa rin sa pagtulog si Mama Mayette. Nakahinga nang maluwag si Troy. Ipinagpatuloy ang pagbubukas sa cabinet ng damit. Inaninaw niya kung may nakasabit na susi sa likod ng pinto. Wala siyang nakita. Kinapa-kapa ang gilid ng cabinet. Pati ang pagitan ng mga damit ay kinapa. Walang susi roon.
Ang huling binuksan ni Troy ay ang drawer ng antique na mesa na may nakapatong na retrato ni Mama Ma-yette. Dahan-dahan lang ang pagbubukas niya. Nang mabuksan, wala rin siyang nakitang susi. Dahan-dahan niyang isinara ang drawer. Saan kaya inilagay ang susi?
Nagbalik siya sa higaan. Pinilit na matulog.
Kinaumagahan, wala na si Mama Mayette sa tabi niya. Pagkakataon na para mahalungkat ang iba pang posibleng pagtaguan ng susi. Baka nasa ilalim ng kama. Ti-ningnan niya. Wala.
Sa aktong iyon biglang pumasok si Mama Mayette. Hindi naramdaman ni Troy ang pagpasok ni Mama Mayette. Pero hindi nagpahalata si Troy.
“Anong hinahanap mo Troy?”
“Meron kasing kumagat sa aking likod. May surot siguro rito!”
“Surot? Walang su-rot dito, Troy. Lagi kong nililinis ang kama.’’
“May kumagat sa likod ko, masakit at biglang kumati. Tinitingnan ko at baka may surot.’’
“Sige, mamaya na lang at ako ang maghahanap. Halika na kain na tayo. Mamaya, labas tayo.’’
“Saan tayo pupunta?”
“Manood tayo ng sine, tapos magmotel tayo. Matagal na akong hindi nakakapasok sa motel, Troy…’’
Tumango lang si Troy. (Itutuloy)
- Latest
- Trending