^

True Confessions

Alakdan (139)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

BUMILI ng diyaryo ki-nabukasan si Troy. Binuklat at hinanap ang classified ads. Nakita. May nangangailangan ng checker sa isang establishment. Kaya niya iyon. May nakita pang nangangailangan ng bagger sa isang grocery.

Pinuntahan agad niya makaraang gumawa ng resu­me. Ang isang problema niya ay baka hi-ngin ang certification ng dating pinagtrabahuhan. Bahala na.

Sa unang pinunta-han niyang establish­ment na nanganga­i­langan ng checker ay ti­nanggap ang applica­tion niya. Binasa. Makaraang basahin ay sinabihan siyang tatawagan na lamang.

“Inilagay mo naman ang number mo di ba?”

“Opo. Cell phone po.”

“Landline ba wala ka?”

“Wala po.”

“Sige tawagan ka na lang sa CP.”

Umalis siya. Baka may pag-asa.

Sunod niyang pinuntahan ang isang grocery na nangangaila-ngan ng bagger.

“Wala nang bakante e.”

“Nasa diyaryo na-nga­ngailangan daw kayo.”

“Wala na e.”

Umalis siya at sinubukang puntahan ang isa pang grocery na nangangailangan ng bagger din at checker. Tinanggap ang resume niya.

“Tatawagan ka na lang namin.”

Umuwi na siya. Wa­lang kaseguruhan ang naging lakad niya. Binilang niya ang kanyang pera. Kailangan bago maubos ang pera niya, dapat nakakita na siya kahit anong trabaho.

Bukas, maghaha­nap uli siya. Hindi siya titigil. (Itutuloy)

vuukle comment

BAHALA

BINASA

BINILANG

BINUKLAT

NIYA

SHY

UMALIS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with