^

True Confessions

Alakdan (131)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

“PEACE na tayo, Troy. Sorry sa inasal ko,” sabi ni Mayette makaraang ibaba ang tray ng pagkain sa mesa.

“Okey lang,” sagot ni Troy. Bumangon ito at naupo sa gilid ng kama.

“Halika na, kumain ka na. Alam ko nagugutom ka na.’’

“Busog pa ako. Kumain ako bago umuwi.’’

“Saan ka kumain dun sa karinderya na marumi? Yung pinggan ay ginagapangan ng daga?’’

Hindi nagsalita si Troy. Inaantok siya.

“Kumain ka na Masarap ang pagkain na dala ko. May fried chicken, pansit at menudo. May himagas pang buko salad. Masarap!’’

Tumayo si Troy at tinungo ang mesa. Naupo. Sumunod si Mayette. Ni­lagyan siya sa pinggan ng kanin. Naglagay ng menudo at pansit sa plato.

“Kain na, Troy.”

“Ikaw?”

“Kumain na ako.’’

Kumain si Troy. Naupo naman si Mayette sa tapat. Pinagmasdan ang pagkain ni Troy. Naiilang si Troy kapag may nakatingin.

“Hindi ako makakakain kapag may nakatingin,” sabi pero hindi tumitingin kay Mayette.

“E sino ang titingnan ko e tayong dalawa lang naman dito.’’

“Kumain ka para hindi ka nakatingin sa akin.’’

“Sige na nga kakain na nga ako,” sabi ni Mayette at nagsalin ng kanin at ulam sa pinggan. Kumain.

“Gusto mo lagi kitang dalhan ng pagkain dito?”

“Huwag na. Kumakain nga ako sa karinderya.’’

“Mag-ingat ka sa pagkain dun. Baka ka ma-Hepa.’’

“Hindi naman siguro.’’

“Wala ka bang balak mag-resign? Di ba hirap na hirap ka sa trabaho?’’

“Kaya ko namang magtiis.’’

“Ba’t ka pa magtitiis e puwede namang hindi.’’

Alam ni Troy, isisiksik na naman ni Mayette ang sarili sa kanya.

“Wala na tayong dapat katakutan, Troy. Magsama na tayo.’’

Eto na naman ang problema ni Troy. Kung noong buhay ang asawa, malakas ang loob, e di lalo na ngayon. Maiiwasan pa naman siguro niya. Bahala na.

(Itutuloy)

ALAM

KUMAIN

MASARAP

MAYETTE

NAUPO

TROY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with