“HOY Troy! Parang wala kang kausap,’’ sabi ni Ma-yette.
Tumigil si Troy. Baka baltikin ang babaing ito. Kausapin na nga niya.
“Nagmamadali kasi ako, Mayette. Masyadong mahigpit ang superbisor baka ako sibakin.’’
“Akala ko, nagsusupla-do ka na.’’
“Ba’t ko naman gaga- win ‘yun.’’
“Kasi nga’y para kang walang kausap kanina. Para akong nagsalita sa tuod.’’
“Kailangan kasi maka-rating ako ng alas-nuwebe dahil ako ang nagbubukas ng garahe para makapasok ang mga delivery truck. Kapag naatrasado ako, nakapila na ang mga truck at ako ang malilintikan.’’
“O sige, sige alis na. Teka, anong oras ang uwi mo?”
“Alas sais.’’
“Alas sais ng umaga?”
‘‘Oo.”
“Buong maghapon nasa bahay ka?”
“Oo.’’
Napansin ni Troy na napangiti si Mayette. Parang may iniisip.
Umalis na si Troy.
Pagdating sa trabaho, marami na ngang delivery truck na nakapila. Pati ang trabaho ng guwardiya ay siya na rin ang gumagawa. Kailangan siya ang magbukas ng garahe at makapasok ang mga truck. Hindi alam ni Troy kung bakit kinargahan siya ng ganoon kabigat na responsibilidad. Kapag may nawala kahit na isang de-lata sa bodega, siya ang sisisihin. Kaya ingat na ingat siya na mabutasan ng masungit na superbisor. Alam niya, naghihintay lamang ito ng pagkakataon.
Pagod na pagod si Troy sa magdamag na pagta-trabaho.
Pagdating niya ng bahay, plastado siya sa higaan. Hindi na niya alam ang mga nangyayari sa paligid.
HANGGANG sa kaila-nganin na naman ni Krea-my ang tulong niya. Natutulog siya nang makarinig nang malakas na sigaw.
“Troy, tulungan mo ako! Dalhin natin si Papa sa ospital!”
Parang nananaginip si Troy. Ilang sandali siyang nag-isip.
Hanggang sa marinig niya ang sunud-sunod na katok sa pinto.
“Troy! Troy! Tulungan mo ako!”
Bumangon si Troy. Binuksan ang pinto. Nakita niya si Kreamy. Nasa mukha ang pangamba.
“Tulungan mo si Papa, Troy.”
Nagmamadali sila sa pagtungo sa bahay. Takbo sila sa kuwarto. Pero sa pagkakita pa lamang ni Troy kay Mang Dolfo, tila wala nang hininga. Masama ang kutob ni Troy na iniwan na ni Mang Dolfo si Kreamy.
(Itutuloy)