Alakdan (115)

“BA’T mo naitanong kung paaalisin kita rito, Troy?’’ Tanong ni Ma-yette.

“Wala lang,” sabi ni Troy. ‘‘Naitanong ko lang.’’

Hindi sinabi ni Troy na nalaman niya iyon kay Kreamy.

‘‘Ba’t naman kita pa­aalisin. Kung paaalisin kita e di sana noon pa. At bago kita paalisin, sisingilin muna kita sa utang mo sa akin…’’ 

Para hindi maghinala na nalaman niya, nakaisip ng itatanong si Troy.

“Baka pauupahan mo na sa iba ito e aalis na ako. Siyempre kailangan mong kumita.’’

“Masyado ka na-mang ma-tearts. Hindi kita pa­aalisin dito. Hang­ga’t gusto mo, dito ka. Nga­yon pang malapit     na akong….’’ Hindi na tina­pos ni Mayette ang sinasabi. Pero mabilis na nahulaan ni Troy kung ano ang karugtong niyon. Ngayon pang malapit na siyang mabiyuda. Tiyak na yun ang gusto niyang sabihin.

“Ang payo ko lang    sa’yo huwag kang mas-yadong pakialamero. Manahimik ka lang dito at akong bahala sa’yo. Huwag ka nang magpapaka-hero. Hindi na uso ang hero-hero nga­yon. Kinukursunada ang nagpapaka-hero.

“Kung gusto mong manatili rito nang ma-tagal at wala na ring bayaran ang anumang utang, huwag ka nang makikialam sa amin. Okey ba Troy?

“Madali lang akong ka­usap. Basta nagkakaintindihan na tayo.’’

Napatangu-tango   na lamang si Troy. Hindi na siya sumagot pa at baka mauwi sa magulong usapan. Sasakyan na lamang niya o aayunan ang lahat nang gusto ni Mayette.

‘‘Kumusta ang work mo? Andun pa ba ‘’yung babaing bisor na ma- sungit sa’yo?’’

“Oo.’’

“Wala ka pang ba- lak na umalis dun?’’

“Okey na naman ako, Mayette.’’

“Pinag-reresign na   kita at ako ang bahala e pa-tearts-pa-tearts ka pa riyan.’’

Hindi nagsalita si Troy. Hanggang ngayon, malaki pa ang pagnanasa sa kanya ng matronang ito. Lantaran na ang panliligaw. Lalong naging mabangis. At naisip ni Troy, ngayong maysakit ang asawa ni Mayette at hindi na siya kayang paligayahin, lalo pa sigurong titindi ang pagnanasa nito sa kanya. Baka minsan, magtungo ito sa kanya na wala nang panty. Ganyan ang nakikita niya kay Mayette. Walang bukambibig kundi ang pakikipagtalik. Sobra ang kaelyahan ni Mayette. Kung pagbibigyan niya si Mayette ay baka masiraan ito ng ulo sa sobrang linamnam na ihahandog niya.

Nang walang anu-ano’y inalok na naman siya ni Mayette. Masyadong atat ang matrona. Lantaran ang panunukso.

“Hindi ka aalis dito, Troy basta, pagbigyan mo lang ako kahit isang beses lang. Ang dami ko yatang pera ngayon. Binenta ko lahat ang lupain namin.’’ 

(Itutuloy)

Show comments