“HUWAG ka munang magpanic, Kreamy. Relaks ka lang.’’
“Mula kasi nang ata-kehin si Papa nagkaroon na ako ng takot. Laging nasa isip ko, aatakehin siya at habang sinusugod sa ospital, wala na. Bumigay na. Ganun lagi ang naiisip ko Troy…’’
“Huwag ganun ang isi-pin mo. Kapag yun ang inisip mo, mangyayari nga ‘yun.’’
“Isa sigurong dahilan kaya ganun ang naiisip ko e dahil sa ginagawa ni mama. Siguro kung maganda ang ipinakikita ni mama kay papa at sa akin, baka hindi ganito ang nararamdaman ko.’’
Natahimik sila. May iniisip si Kreamy. Malalim.
Nang magsalita ay bahagyang nakangiti.
“Mabuti na lang at narito ka, Troy. Paano kaya kung wala ka? Siguro hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin ko.”
“Pero alam mo, kung hindi rin sa payo mo na labanan ko ang panunukso ng mama mo, baka bumigay na rin ako.’’
“Bakit naman?”
“Kasi nga’y malaki ang utang ko sa mama mo. Para makabayad, baka pumayag na ako na magkaroon kami ng relasyon.”
“Mati-take mo na patulan ang isang halos ay ina mo na, Troy.’’
“Kapit sa patalim, Krea-my. Kung wala na akong makakapitan, baka kuma-pit na ako sa kanya.”
‘‘Mawawala naman ang paghanga ko sa’yo kapag nagkaganoon.’’
“Kaya nga ng sabihin mo sa akin, na huwag ko nang dagdagan ang kasalanan ng mama mo, natauhan ako. Dapat talagang umiwas ako sa kanya at huwag kakagat sa iniaalok niyang mansanas.‘’
Napangiti si Kreamy sa matalinhaga na pag-sasalita ni Troy.
“Pero alam mo Troy, minsan, narinig ko kay mama na nagbabalak kang paalisin sa tirahan mo. Sinabi iyon nung dalhin mo sa ospital si papa. Pakialamero ka raw. Pagnainis daw siya baka palayasin ka.’’
Natahimik si Troy. Yun pala ang balak ni Ma-yette. Posible yun dahil panay ang tanggi niya sa panunukso nito. Kahit na ipinakita na ang “kaluluwa” sa kanya, tinanggihan pa rin.
Hindi makalimutan ni Troy ang sinabi ni Kreamy ukol sa balak ni Mayette. Kaya nang puntahan siya ni Mayette, lantaran na niya itong tinanong. Hindi na siya nakapigil.
“Paaalisin mo ba ako rito, Mayette?”
Napamaang si Ma-yette. (Itutuloy)