^

True Confessions

Alakdan (113)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

SUNOD na pag-uusap ni Troy at Krea­my ay makaraan ang isang linggo. Ti-next siya ni Kreamy. “Pwde ka b pumnta dto sa bahay?” Sumagot siya ng “Oo.” Sumagot uli si Kreamy, “Wla c Mama. Umalis.’’ Mayroon na namang isusumbong si Kreamy.

Nagtungo siya kina Kreamy. Nag-usap sila sa salas.

“Anong problema, Kreamy?”

“Ipinagbili na ni Ma­ma ang lahat ng lupain namin sa probinsiya…’’

“E di mayroon nang magagastos para sa heart operation ng papa mo.’’

Napatungo si Krea­my. Kasunod niyon ay umiyak si Kreamy. Problemadung-pro-blemado ito.

“Bakit Kreamy?”

“Parang ayaw na   ni Mama na ipaopera si Papa.’’

“Ano raw ang dahilan?”

“Kasi hindi naman daw 100 percent na makakaligtas si Papa kahit i-bypass ope­ration siya. Sabi ni Mama baka gagastos daw siya nang pagkamahal-mahal tapos ay mamamatay din si Papa.’’

“Pero di ba kaya ipinagbili ang lupain n’yo e dahil ipa-oope­ra nga?”

“Oo. Kaya nga nagtungo siya sa probinsiya at ibinenta ang aming lupain.’’

“Paano niya sinabi na ayaw nang ipagamot ang papa mo?’’

“Sinabi mismo sa akin, Troy. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin.”’

“Kung may ma­ga­­gawa lang ako, Kreamy. Kung may ma­itutulong lang ako.”

Hindi sumagot si Kreamy.

Maya-maya, nagsalita.

“Alam mo Troy pa­rang hindi na tata-   gal si Papa!”

(Itutuloy)

BAKIT KREAMY

KREA

KREAMY

OO

SHY

SUMAGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with