Alakdan (94)
“SANDALI lang tayo, Troy!’’
Humawak si Ma-yette sa braso ni Troy. Seryoso ito sa pagyayaya. Nakatingin si Troy sa entrance ng mumurahing motel. Walang tao. Mukhang marumi.
‘‘Sige na, Troy! Sandali lang naman tayo.’’
Naniningil na si Mayette? Kailangan na nga kaya niyang magbayad?
Hindi kumibo si Troy. Kung papayag siya sa pang-aakit ni Mayette, sinira niya ang pangako kay Kreamy. Pakiusap sa kanya ni Kreamy, huwag na niyang dagdagan ang kasalanan ng kanyang mama. Kawawa naman si Kreamy kapag sinira niya ang pangako. Umiyak pa si Kreamy sa harap niya.
Hindi malaman ni Troy kung ano ang gagawin. Litung-lito siya. Hindi naman niya basta-basta matatanggihan at baka biglang isumbat ang malaking pagkaka-utang niya. Kabisado na niya ang ugali ni Ma- yette na mabilis magalit.
Pero kailangan si-yang magpasya. Bahala na. Saka na lang niya pro blemahin ang mga susunod pa.
“Sa ibang pagkakataon na lang, Mayette. Isa pa, ayoko diyan, marumi raw ang mga motel sa lugar na ito --- marami raw ipis at daga. At saka ang mga sapin daw sa kama sa ganyang klaseng motel ay nanggigitata...’’
Napamaang si Mayette. Hindi siguro inaasahan ang mga sinabi ni Troy.
“Ayaw mo diyan?’’
“Oo, Mayette,” sagot ni Troy.
“Puwede naman tayong humanap ng ibang motel.’’
“Saka na lang, Mayette. Isa pa pagod na pagod na ako dahil sa pagtatrabaho sa gro-cery. Parang babagsak na ang katawan ko.’’
Tila naawa si Mayette.
‘‘Hmp sige na nga. Lagi na lang walang nangyayari. Parating na ang asawa ko pero wala pa ring nangyaya-ri sa atin.’’
Umuwi na sila. Wala silang imikan sa jeep-ney. Maski nang buma-ba sila sa jeepney ay wala pa rin silang imikan.
Nagtuloy si Troy sa kanyang tirahan. Si Mayette ay deretso sa bahay nila.
Nang makapasok si Troy sa tirahan niya ay nakahinga siya nang maluwag. Nakaligtas siya sa kasalanan.
ISANG araw, naka- rinig si Troy nang tumigil na sasakyan sa labas. Sinilip niya. Isang matandang lalaki. Galing NAIA ang taksi. Asawa ni Mayette!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending