^

True Confessions

Alakdan (91)

- Ronnie M. Halos -

“SIGE na, umalis ka na at baka makitaan ako ng butas e tanggalin na nga ako. Buti nga nilipat lang ako…’’

“Kahit naman tanggalin ka rito, kaya kitang pakainin.’’

“Kahit lumayo ka   lang muna rito sa pu­wes­to ko Mayette. Please lang…’’

Tiningnan siya ng pairap ni Mayette bago ito humakbang palayo at dumako sa eskaparate ng mga softdrinks at juices.

Nakahinga nang maluwag si Troy. Ipinag­patuloy niya ang pagsasalansan ng mga de-lata sa rack. Dinukot ang mga nalaglag sa likod. Pero sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang paglapit ng mataray at mapangmatang superbisor. Pero hindi niya ito papansinin at kunwari’y abalang-abala sa pagsasalansan.

Hanggang sa mari-nig niya ang taguktok ng takong ng sapatos ng superbisor. Hanggang sa tumigil sa likuran niya.

“Huwag lang basta isalansan, punasan mo rin ang mga lata. Diyos ko kailangan pa bang sabihin ‘yan,’’ sabi ng superbisor at kinuhit pa ang ibabaw ng isang de-lata. Nakakuha ng alikabok doon. “Nakikita mo ito? Kung ikaw kaya ang maggo-grocery at pawang alikabok ang bibilhin mong de-lata, masisiyahan kang bumili?’’

“Opo Mam. Pupunasan ko po.’’

“Kailangan pa bang sabihin ko na punasan mo ang mga ‘yan. Common sense lang ano?’’

‘‘Opo Mam.’’

Umalis na ang superbisor. Hindi na sinundan ng tingin ni Troy. Kumuha siya ng basahan sa stockroom at inumpisahang punasan ang mga de-lata.

Hindi niya napansin na si Mayette pala ay nasa kabilang eskaparate lamang at tiyak na narinig ang sinabi ng superbisor.

Lumapit si Mayette.

“Hayup palang magsalita ang demonyang iyon. Kung gaano kapa-ngit ang mukha ay ganundin pala ang ugali. Kung ako ang pagsasalitaan niya ng ganoon, t’yak yung puwit niya mapupunta sa mukha niya. Kanina gusto ko nang batuhin nitong Reno. Mag-resign ka na nga rito! Wala nang magmumura sa’yo. Kakain ka lang ng kakain at matutulog!’’

Hindi nagsalita si Troy. Baka may maka-kita na nag-uusap sila.

“Ano Troy? Kakaawa ka naman. Kapiranggot lang ang suweldo mo pero kung pagsalitaan ka ng demonyang yun akala mo sa kanya itong grocery na ito.”

Tahimik lang si Troy. Hindi na siya sasagot.

“Mamaya sabay tayong uuwi ha? May sasabihin pa ako sa’yo.’’

Kinabahan si Troy. Ano na naman ang ba-lak ni Mayette.

“Hihintayin kita sa labas, Troy.’’

Hindi na siya nagsalita. Umalis na si Mayette.

Kinagabihan, nang lumabas si Troy, nag-aabang si Mayette.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO TROY

HANGGANG

KAHIT

LANG

MAYETTE

NIYA

OPO MAM

TROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with