Alakdan (79)
KAHIT sa kamatayan ay ayaw maghiwalay ang kanyang Itay at Inay. Habang nakatingin sa dalawang magkatabing nitso si Troy ay binabalikan niya sa alaala ang masayang pagsasama ng kanyang Itay at Inay. Hindi niya nakita ang mga ito na nag-away. Naipagmamalaki niya na sa kabila ng kahirapan nila sa buhay, masagana naman sa pagmamahalan ang kanilang pamilya. Kahit na kapos sila sa maraming bagay, sobra-sobra naman sa pagbibigayan at pag-uunawaan ang kanyang magulang. At kung pamimiliin si Troy ng kanyang mga magiging magulang, pipiliin pa rin niya ang kanyang Itay at Inay. Walang makahihigit sa kanyang mga namayapang magulang.
Ang hindi maintindihan ni Troy ay kung bakit sabay pang namatay ang kanyang Itay at Inay. Tanggap na niya na maaaring mauna ang kanyang Itay dahil grabe ang pagkabali ng spinal column nito pero ang kanyang Inay ay wala sa hinagap niya na susunod din kaagad. Hindi niya akalain na sabay mawawala at iiwan siyang nag-iisa. Naisip din naman ni Troy na mahirap pala ang nag-iisang anak sapagkat wala man lamang makaramay o mapaghi-ngahan ng problema. Kung may kapatid siya kahit na isa, may kasama sana siya at katulong sa anumang problema. Hindi sana katulad ngayon na mag-isa siyang umiiyak at mag-isa na ring mamumuhay.
Siguro, kaya pinahintulutan ng Diyos na sabay nang kunin ang kanyang mga magulang ay para wala nang maging problema pa siya. Kung buhay ang kanyang ina ay baka problemado siya kung paano iiwan dito sa probinsiya. Hindi niya maaalagaan dahil nasa Maynila siya. Hindi naman niya maaaring dalhin sa Maynila dahil kakapiranggot lang ang suweldo niya. Problema rin kung saan titira. Kakahiya kay Mayette kung isasama niya ang ina sa tirahan.
Nakita ni Troy ma-lakas ang hangin at hinihipan ang mga kandila. Madilim na.
“Kuya, tayo na lamang ang narito sa sementer-yo,” sabi ng pinsan niyang si Maricel. “Mukhang uulan pa yata. Tayo na at baka abutin tayo rito.’’
“Oo, Maricel. Sandali na lang.’’
Umusal ng dalangin si Troy. Nagpaalam na siya sa mga magulang. Sinabi niya na baka mataga- lan bago siya makauwi.
MAKALIPAS ang da-lawang araw, handa nang umalis si Troy patungong Maynila. Nagpaalam na siya sa pinsang si Maricel.
“Baka matagalan bago ako umuwi rito. Wala na kasi akong uuwian dito.”
“Mag-text ka sa akin Kuya Troy.’’
“Oo.” (Itutuloy)
- Latest
- Trending