Alakdan(62)
LUMAPIT si Sue.
“Mukhang masarap ang kuwentuhan n’yong magpinsan, Digs,” sabi nito na nakangiti. Mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin ni Sue.
‘‘Oo nga, Love. Para na kaming magkapatid nitong si Troy. Pinagkukuwentuhan namin yung babaing nagkakagusto kay Troy.’’
‘‘Hmp babae na naman. Magpinsan nga kayo na pawang babae ang gustong pag-usapan.’’
“Masyado kasing hinahabol si Troy ng babae at tila natatakot siya…’’
Nagtawa si Sue.
“Bakit natatakot?’’
‘‘Virgin pa kasi itong pinsan ko, he-he-he.’’
Nagtawa si Sue. Si Troy ay tila nahihiya.
‘‘Ayaw kasing gumaya sa akin ni Troy na mada-ling magpaibig ng babae.’’
“Ikaw ba naman, Digs e sobrang maboladas.’’
“Maboladas ako kapag may gusto sa akin ang babae. Di ba maboladas ako nang pormahan kita?’’
“Oo nga. Nalaman ko na lamang na mag-on na tayo. Ang bilis mo, Digs…’’
“Baka kasi makawala ka pa. Alam mo naman na mahal na mahal kita.’’
“Sige na nga naniniwala na ako.’’
Maya-maya pa nagpa-alaman na sila.
“O paano Pinsan, baka matagal tayo bago magkita. Kasi baka sa malayo na kami manirahan ni Sue. Di ba Sue?’’
Tumango si Sue.
‘‘Hindi rito sa Metro Manila, Digol?’’
‘‘Hindi.’’
“Saan nga?’’
“Text ko na lang sa’yo Pinsan.’’
‘‘Sige, babay sa inyong dalawa. Ingat.’’
‘‘Sundin mo ang pinayo ko, Pinsan tungkol sa babaing nagnanasa sa’yo. Pagbigyan mo na, ha-ha-ha!’’
Umalis na ang dalawa.
Naiwan namang nag-iisip si Troy. Hindi na pala rito sa Maynila titira si Troy. Wala na siyang mahihingian ng tulong. Ano kaya ang mangyayari sa kanya ngayon?
Ipinasya ni Troy na umuwi na. Bahala na kung ano ang mangyari sa bahay ni Mayette.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending