Alakdan(54)

“BAKLA ka nga siguro, Troy. Kasi ang bakla, kahit daw ano ang gawin ng babae ay walang epekto. Pakiramdam daw kasi ng bakla e may matris din siya. At kaya ayaw mong ma-attract sa akin e dahil bakla ka. Bakla ka, Troy!’’

“Hindi nga ako bakla!” Sabi ni Troy na medyo may inis na ang boses pero hindi siya nagpahalata. Kapag nagpadala siya sa inis ay siya ang talo. At saka bakit nga ba siya maiinis ay hindi naman siya bakla. Wala sa lahi nila ang bakla.

“Kung hindi ka bakla e di ipakita mo. Bakla ka! Ang gusto mo rin ay lalaki.”

“Hindi ako bakla!’’

“Kung hindi ka bakla, patunayan mo sa akin. Ipakita mo na hindi ka bakla. Ipakita mong wala kang matris.’’

Sagad na si Troy. Hinayupak na babaing ito at talagang ayaw siyang tigilan. Hinahamon na ang pagtitimpi niya.

“Ano, hindi ka makapagsalita diyan. Talagang bakla ka ano? Closet queen ba ang tawag doon, ha-ha-ha!’’

Sagad na talaga si Troy. Kailangan talagang turuan niya ng leksiyon ang babaing ito.

Hinagilap niya ang butones ng kanyang shorts. Ibinaba ang siper. Ibinukas at mula sa ilalim ng brief ay may inilabas. Dahan-dahan lang. Habang ginagawa iyon ay naka­tingin siya kay Mayette­. Si Mayette naman ay nakatunganga. Nakatutok ang mga mata sa “bagay” na inilalabas niya sa brief.

Nailabas niya ang nasa loob ng brief. Tila “ahas na tulog” ang kumawala sa loob ng brief.

Nang mailabas niya ang “tulog na ahas” ay nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Mayette.

“Bakla pala ha?” Sabi ni Troy.

(Itutuloy)

Show comments