Alakdan (51)
“HINDI ko pa nalilinis ang banyo, Mayette. Inuuna ko muna kasi ang paglalampaso sa sahig at ang paghuhugas ng pinggan. Nakakahiya ang banyo,” sabi ni Troy.
“Kahit na marumi, gustung-gusto ko nang maligo e.”
“Lilinisin ko muna, Mayette.’’
“Huwag na Troy.”
“Kasi nakakahiya.’’
“Okey lang. Sira lang kasi ang gripo sa bahay kaya dito ako makikipaligo.’’
Tumango na lang si Troy. May magagawa ba siya?
Nagtungo na sa banyo si Mayette. Narinig niya na binuksan ang gripo at bumagsak ang tubig sa malaking timba.
Hindi naman siya ma-ka katutol sa gusto ni Ma-yette dahil ito ang may-ari. Pero sa isip ni Troy, may balak si Mayette kung bakit doon makikipaligo. Kung matinong babae si Mayette hindi siya makikiligo sa ibang banyo kahit pa sa pinauupahan niyang kuwarto.
Pero nagpakahinahon si Troy. Kung anuman ang binabalak ni Mayette sa kanya ay paghahandaan niya. Baka naman mali siya sa iniisip. Baka naman talagang sira ang gripo sa kanila kaya makikipaligo.
Ano kaya at habang na liligo si Mayette ay lumabas siya ng bahay at pumunta sa tindahan sa kan to at kunwari ay may bibilhin. Makakaiwas siya sa anumang balak ni Mayette.
Maya-maya ay bumukas ang pinto, sumilip si Mayette. Hubad na.
“Troy, wala bang trangka itong pinto ng banyo.’’
“Wala. Pero may tali ang pinto. Higitin mo at saka itali sa pako para hindi bumukas.’’
“Okey salamat.”
Inilapat na ni Mayette ang pinto. Hindi alam ni Troy kung sinunod ang sinabi niya.
Hanggang sa marinig niya ang pagbubuhos ni Mayette. Sunud-sunod ang buhos. Tila nga nainitan nang husto si Mayette kaya sabik na sabik sa paliligo.
Ipinagpatuloy ni Troy ang paglalampaso sa sahig. Nagtatalo ang isip niya kung lalabas ng bahay at magkukunwaring may bibilhin. Baka naman mali ang iniisip niya kay Mayette.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
Nang bigla ay marinig niya ang sigaw ni Ma-yette. Gulantang si Troy!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending