“ISUKAT mo, Troy. Bagay sa iyo ‘yan. Imported yan,’’ sabi ni Mayette.
Atubili si Troy kung isusukat o hindi ang t-shirt.
“Sige na isukat mo.’’
Tumalikod si Troy kay Mayette.
“Sus tumalikod pa e tayo lang namang dalawa ang narito at saka shirt lang ang huhubarin.’’
Hinubad ni Troy ang suot na damit. Nang mahubad ay dinampot naman ang regalong shirt ni Mayette. Nakatalikod pa siya kay Ma-yette. Isusuot na niya ang bagong shirt nang magsa- lita ui si Mayette.
“Humarap ka nga rito. Para ka namang babae kung magbihis.’’
Napilitang humarap si Troy.
“Ayyy may pandesal ka pala sa tiyan!’’
Nahiya tuloy si Troy.
‘‘Mas maganda talaga ang katawan mo kaysa kay Digol. Siya walang pandesal sa tiyan, puro kanin ang nasa tiyan niya, he-he-he !”
Isusuot na ni Troy pero humirit pa si Mayette.
‘‘Pahipo nga ng pandesal,’’ sabi at dinama ang tiyan ni Troy. Pinisil-pisil ang anim na pandesal. ‘‘Ayyy ang tigas-tigas!’’
Nang matapos ang panggigigil ay ipinasuot na ang bagong shirt.
“Wow, bagay na bagay sa iyo.’’
“Baka pagnakita ni Digol ay itanong kung kanino ga-ling.’’
“Sabihin mo, binili mo.’’
“Baka hindi maniwala.’’
“Huwag mo nang problemahin yun. Mahalaga, may bago kang shirt. Poging-pogi ka, Troy. Mas guwapo ka kaysa, Digol.”
Hindi nagsalita si Troy.
“Basta kapag nagkita kayo, huwag mong sasabihin na wala na ang asawa ko.’’
Tumango si Troy.
Ang hindi inaasahan ni Troy ay nang may iabot pa si Mayette.
“Ano ito?’’
“Pera.’’
“May pera ako, Mayette.’’
“Itago mo. Kailangan mo ‘yan. Hindi naman malaki ang suweldo mo kaya palagay ko kulang na kulang sa’yo.’’
Atubili si Troy kung tatanggapin. Pag tinanggap niya, baka singilin na siya at may mangyari sa kanila.
(Itutuloy)