Alakdan (31)

“PARANG takot na takot ka Troy. Tinatanong lang kita kung may karana-san ka na e parang nabahag ang buntot mo?”

“Ha e kuwan…”

Pero hindi na nata- pos ni Troy ang sasabihin dahil biglang tumunog ang cell phone nito na nasa bulsa. Mabilis na dinukot. Sinagot ang tawag.

“Hello? Hello? O Dad­dy, bakit?”

Nagsalita ang nasa kabilang linya.

“Narito ako sa tindahan, Daddy bumibili ako ng load. Pabalik na ako.’’

Nagsalita uli ang nasa kabilang linya. Sumagot si Mayette.

“Hindi naman ako matagal. Pabalik na nga ako. O sige!”

Tapos ang usapan.

“Buwisit na lalaking yun. Akala mo e ilang araw na akong nawala,” sabi at tumingin kay Troy. “Sige aalis na ako, Troy. Saka ko na lang uulitin ang tanong sa iyo.”

Humakbang palabas si Mayette. Isinara ni Troy ang pinto. Nawala ang kaba niya nang makalabas si Mayette.

Delikado ang ginagawa ni Mayette. Tama ang sabi ni Digol na mahilig ang babaing iyon. Kahit may edad na ay gusto pang maki-pagrelasyon kung kani-kanino. At sa mas bata ang gusto.

Nakaramdam ng gu­tom si Troy. Nagsandok ng kanin. Naghiwa-hiwa ng kamatis at sibuyas. Binudburan ng asin. Ayos! Masarap ang hapunan niya.

Matapos kumain at hugasan ang pinggan. Nagbasa-basa ng diyar­yo. Inantok. Tuluyan na siyang natulog.

Kinabukasan, maagang nagising. Nagluto ng almusal. Galunggong na prito uli. Sina­ngag na kanin at kape. Masarap na almusal. Naligo pagkatapos. At saka pumasok sa department store. Ma­gaan na magaan ang pakiramdam niya.

Nang umuwi siya ng hapon na iyon, may napansin siyang kakaiba sa bahay. Parang may nakapasok. Naiba ang posisyon ng silya. May nakita siyang bakas ng sapatos sa sahig. Maalikabok. Kinabahan si Troy. Baka nasa loob pa ang tao. Hindi kaya ang asawa ni Mayette. Sinusubaybayan ito. Humanda si Troy. Baka siya ang inaakalang kalaguyo. (Itutuloy)

Show comments