Alakdan (27)
“BAGGER ka Pinsan?”
‘‘Oo Digol.’’
“Magkanong suweldo?”
‘‘Minimum lang siyempre pero pagtitiyagaan ko.’’
“Mga mahigit P300 ba yun isang araw?’’
‘Oo baka ganun. Pero kahit na okey na sa akin. Ang mahalaga e may kinikita ako. Nakakahiya na pinakakain mo ako.’’
“Okey lang naman sa akin dahil nandiyan si Mayette. Kanina binigyan ako ng limang libo…sa sunod baka mas malaki pa. Iyon nga lang gasgas na itong si Peter ko.’’
Nagtawa si Troy.
“Sige kung gusto mong magtrabaho, e di sumige ka. Kapag nahirapan ka e di magpahinga ka.’’
“Isa pa kaya gusto kong magtrabaho e gusto kong magpadala ng pera kina Inay. Kakaawa naman na walang panggastos.’’
Napatangu-tango si Troy.
“Wala ring nagawa si Mayette sa iyo, Pinsan. Lagi kong sinasabi na ipasok kang messenger dun sa kaibigan niyang may-ari ng placement agency e puro pangako lang. Ibang klase rin si Mayette. Ma-ngangako tapos hindi tu-tuparin…’’
“Hayaan mo na Digol. Baka wala lang bakante kaya hindi ako makapasok. Okey naman sa akin ang bagger. Kapag nasanay na ako e di mag-aaplay ako sa mas maganda-ganda. Tapos mag-aaral ako…’’
“Sige lang Pinsan. Baka nga yan ang destiny mo. Ako dito na lang muna. Pero kapag nakakita uli ako ng katulad ni Katrina, baka magbago ako ng pananaw…’’
“Talagang hindi mo malimutan si Mam Kat…’’
“Sabi ko sa’yo, matindi ang pagmamahal ko sa babaing iyon.’’
“At si Mayette e palipasan lang?”
“Oo. Hangga’t may na kukuha ako kay Mayette, e di sa kanya muna. Pareho lang kaming nakikinabang.’’
“Pero mag-ingat ka rin Digol at baka makahalata ang asawa ni Mayette.’’
ta ang asawa ko!”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending