Alakdan (18)
“NAKAPAG-ARAL ka pala sa kolehiyo, Digol?”
“Oo. Si Kat ang pumilit sa akin. Pero hindi ko rin natapos ang pag-aaral, Pinsan. Pero mamaya mo na malalaman kung bakit hindi ko natapos ang pag-aaral.’’
“Ano nga palang kinu-ha mo?”
‘‘Criminology. Ang school ko e doon sa may Quiapo.’’
“Balak mong magpulis siguro, Digol.’’
“Sana. Aprub kay Kat na criminology ang kunin ko. Kung iyon daw ang gusto ko, walang problema sa kanya. Buong semester e binayaran niya. Para raw wala akong problema. Yung allowance ko para sa isang buwan e binigay niya. Sa may Quiapo sa Soler St. ako nakatira. Para raw lalakarin ko na lang ang school.’’
“E di ang ganda pala ng kalagayan mo. May nagsusustento sa’yo.’’
“Sinabi mo pa Pinsan. Pawang aral nga ang inatupag ko. Inspirado ako sa pag-aaral. Bukod doon, gusto kong maipagmalaki kay Kat na nagsisikap ako. Gusto kong patunayan na hindi nasasayang ang paggastos niya sa akin. Talagang gusto niya ay makatapos ako. Para raw magkaroon ako ng magandang kinabukasan. At saka lagi nga niyang sinasabi na kahit na wala na siya, may maganda siyang naiwan sa akin.’’
“Mabait pala talaga si Mam Katrina, Digol.’’
“Super, Pinsan. Kaya nga love na love ko ang babaing iyon. Sayang nga lang…’’
“Bakit sayang?”
“Mamaya na. Sa bandang huli ko sasabihin.’’
“Suspense pala,Digol.’’
“Oo.’’
“Paano kayo nagkikita?”
“Minsan isang linggo kami nagkikita sa apartelle sa Roxas Blvd. Buong maghapon, magkasama kami. Lagi niyang itinatanong ang tungkol sa studies ko. Nagre-report ako. Ipinakikita ko ang mga grade ko sa exam at quizzes. Matataas ang grades ko kaya tuwang-tuwa siya. Sipagan ko pa raw.
“Wala kaming ginagawa sa maghapon kundi ang magkuwentuhan, manood ng TV at magmahalan. Napakaikli ng maghapon. Humihirit ako na magkita kami ng two times a week, pero ayaw niya. Baka raw masira ang studies ko. Tama na raw ang isang beses para lalo kaming magkasabikan. Hanggang sa mangyari ang hindi ko inaasahan…’’
(Itutuloy)
- Latest
- Trending