Alakdan (16)

PATULOY sa pagkuku­wen-to si Digol kay Troy tung-kol sa naging pagtatagpo nila ng matronang si Mam Katrina o Kat sa isang apartelle sa Roxas Blvd.

‘‘Masyado akong nasabik kay Mam Kat kaya pagdating ko sa apartelle ay hindi ko na nilubayan. Talo ko pa ang isang aso na isang linggong hindi kumain. Grabe ang pagkauhaw ko sa matrona. At siya man ay ganoon din sa akin. Uhaw na uhaw din si Mam Kat.

‘‘Pero dahil nga marami na siyang karanasan sa larangang iyon, sinabihan akong dahan-dahan. Huwag daw akong dalus-dalos. Kailangan daw ay marahang-marahan. Gentle. Para raw ganap naming malasap ang tamis ng pagmamahalan. At ganun nga ang ginawa ko. Tama nga siya. Mas nadama namin ang tamis at linamnam.’’

Nagtawa si Troy sa pagkukuwento ni Digol.

“Iyon pala ang isang kabutihan kapag matrona ang karelasyon ano, Digol. Tinuruan ka nang mga gagawin.’’

“Oo, Pinsan. Ang dami kong natutuhan sa kanya. Hindi lamang sa tamang paraan ng pakikipagtalik kundi sa marami pang bagay.’’

‘‘Teka, ituloy mo muna ang nangyari nung duma-ting ka sa apartelle. Anong ginawa n’yo?’’

“Sa may pintuan pa nga ay sinibasib ko na siya. Hindi ko napigilan ang sarili. Nagpatindi sa pagkasabik ko ay nang malanghap ko ang kakaibang bango niya. Mamahaling pabango ang gamit niya na nakapagpaantig sa akin.

“Nahubad ko ang damit niya habang nasa likuran kami ng pinto pero sabi niya sa kama kami. Huwag daw akong magmabilis dahil marami pang oras. Huwag daw akong parang mauubusan.

“Sa kama kami humantong. Parehong wala na kaming damit. Sinimulan namin ang seremonyas. Dahan-dahan lang daw. Iyon daw ang tamang pamamaraan. Ginawa ko. Marahang-marahan. Ninamnam namin ang tamis.

“Tama si Kat. Mas nadarama ang sarap kapag da-han-dahan ang ginagawang pagkain. Mas nakukuha lahat ang katas. Kumbaga sa bulaklak, nasisimsim ang lahat ang nectar.

‘‘Nang matapos kami, parehong nakangiti sapagkat kapwa nasiyahan sa naganap na pagmamahalan.

“Habang nakahiga, na­pag­masdan ko ang mukha ni Kat, halatang patungo na siya sa pagtanda pero naroon pa rin ang angking ganda. Hindi ko napigilan ang sarili at hinipo ko ang mukha niya. Nilaro ko ng daliri ang maninipis na labi.

“Nagtataka ako sa sarili ko, kung bakit sa may-edad na babae ako nahumaling. Basta, nakakadama ako ng walang katulad na kaligayahan. Hindi ko naiisip kung hanggang saan hahantong ang pagmamahalan na iyon.’’ (Itutuloy)

Show comments