^

True Confessions

Alakdan (15)

- Ronnie M. Halos -

“KAPAG nalaman ng asawa niya, baka kung ano raw ang mangyari…”

“Pero di ba hiwalay na sila?”

“Hindi ko maintindi-han, Pinsan. Basta ang iniintindi ko, yung damdamin ko sa kanya. At nang malaman ko na mahal din niya ako, hindi ako natakot kahit pa ano ang gawin ng dati niyang asawa.’’

“Anong sumunod na nangyari, Digol?”

“Pinakiusapan ako na huwag nang pumunta sa bahay niya. Nag-react agad ako. Paano kami magkikita? Sa ibang lugar daw kami magkita. Basta huwag lang sa bahay niya. Masama raw kasi ang kutob niya.

“Naintindihan ko siya. Tinanong ko kung paano malalaman na magkikita kami. Iti-text daw niya. Kinuha ang number ng cell phone ko. Maghintay lang daw ako. Huwag daw akong mainip. Hiniling ko na magtalik kami ng oras na iyon. Huwag daw. Saka na lang daw. Basta magkikita kami. Tinanong ko kung balak pa niyang pumunta sa gaybar. Hindi na raw. Bakit pa siya pupunta roon e may relasyon na kami.

“Natuwa ako. Sinigurado niyang may relasyon kami. Patunay lamang na talagang mahal niya ako.’’

Sabik na nagtanong si Troy. “Paano kayo nagkita, Digol?”

“Nagtext siya sa akin. Puntahan ko raw siya sa isang apartelle sa may Roxas Blvd. Sinabi niya ang room number.”

“Nagpunta ka agad?’’

“Oo. Nagtaxi ako. Sabik na sabik ako kay Mam Kat. Nakita ko agad ang apartelle. Tinungo ko ang room na sinabi niya. Naghihintay na nga siya sa akin dahil nang kumatok ako sa pinto, agad niyang binuksan. Mabilis din niyang isinara ang pinto. Hindi na ako nakapagpigil sa sobrang kasabikan kay Mam Kat. Isinandal ko sa likod ng pinto at saka ko sinibasib ng halik.

Nagpaubaya siya sa ginawa ko. Sabik na sabik din si Mam Kat. Nadadama ko ang init ng kanyang katawan…”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DIGOL

HUWAG

KAMI

MAM KAT

NIYA

PAANO

ROXAS BLVD

SABIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with