^

True Confessions

Alakdan (11)

- Ronnie M. Halos -

NASASABIK si Troy sa ikinukuwento ni Digol ukol sa matronang si Katrina.

“Nang matapos akong kumain, sabi sa akin ni Mam Katrina dun kami sa sopa. Nabusog daw ba ako, tanong niya. Sabi ko’y oo naman. Sino ba naman ang hindi mabubusog sa masasarap na pagkain na noon ko lang natikman. Napangiti lang si Mam Katrina.

“Nang nasa sopa na kami at magkatabing nakaupo, tinanong niya ako tungkol sa sinabi ko kanina na gusto ko siya. Sabi ko, talagang gusto ko siya. At ang pagpunta ko sa kanyang bahay ay hindi dahil kailangan niya ang serbisyo ko kundi talagang puso ang nag-utos sa akin na magtungo roon.

“Aba nagtawa si Mam Katrina, nakornihan yata. Tinanong ko kung bakit siya nagtawa. Hindi sumagot. Nakatingin lang sa akin. Ilang taon na raw ako. Sabi ko’y twenty two. Ang bata ko pa raw. Sobra pang anak niya. Malapit na raw siyang magsisenta. Sabi ko hindi halata na ganun ang edad niya. Ngumiti lang.

“Ito raw ang una niya na may pinatuloy na la­la­­ki sa   bahay niya. Siya lang daw at ang katulong niya ang nakaaalam nito. At siyempre ay ako raw. Kaya huwag ko naman daw sanang ikukukuwento kahit kanino na nagpatuloy ako ng lalaki sa bahay. Sabi ko naman, hindi ko magagawang ipamalita ang babaing malaki ang aking pagkagusto. Mahal ko talaga siya. Hindi ako nagbibiro.

“Napangiti uli. Nakatitig lang sa akin. Para bang hinahanap ang katotohanan sa sinabi ko. Saka ibabaling ang tingin sa kawalan. Napagmasdan ko ang kanyang mga mata. Malungkot ang kanyang mga mata. Sa tingin ko, malungkot ang kanyang buhay.

“Inulit ko muli ang sinabi ko na mahal ko siya. Totoo ang nararamdaman ko. Napabuntunhininga siya. Malalim. Parang may tinatantiya sa kalooban.

“Saka nang muling tu-mingin sa akin ay tinanong kung hindi raw ba ako nagbibiro sa aking mga sinasabi. Sabi ko’y hindi. Talagang mahal ko siya.

“Dahan-dahan siyang umipod palapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi. Marahan. Mainit ang labi niya. Nang gagantihan ko, inalis. Tumayo siya.

“Nagulat ako nang dahan-dahan niyang hubarin ang damit… ang ganda niya!”

(Itutuloy)

AKO

MAM KATRINA

NANG

NAPANGITI

NIYA

SABI

SAKA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with