^

True Confessions

Alakdan (10)

- Ronnie M. Halos -

PATULOY si Digol sa pagkukuwento kay Troy tungkol sa naging relasyon nito sa matronang si Katrina. ‘

“Isang maid ang nagbukas ng gate para sa akin. Bata pa ang maid, maganda at sexy. Tinanong ko kung doon nakatira si Mam Katrina. Oo doon daw nakatira. Pinapasok ako sa loob. Nalula ako sa laki ng bahay. Talagang mayaman si Mam Katrina.

“Dinala ako sa loob. Sabi ng maid, naghihintay na raw si Mam Katrina sa akin kanina pa. Naiinip na nga raw. Sabi ko, naligaw ako sa pagpunta. Hindi ko agad nakita ang bahay.

“Dinala ako sa malaking sala na napapalibutan ng salamin. Nandoon na nga si Mam Katrina. Nakatingin sa akin. Ngumiti. Sinabihan niya ang maid iwan na kami. Umalis ang maid pero tinapunan ako nang makahulugang tingin.

“Pinaupo ako ni Mam. Tinanong ako kung ano ang gusto kong kainin. Sagot ko’y kahit ano. Napangiti si Mam. Lalo siyang naging maganda sa paningin ko. Lalo akong nagkagusto sa kanya. Ma-lakas na malakas ang pang-akit niya.

“Nagpaalam siya sandali. Sinundan ko ng tingin. May hubog pa ang katawan niya kahit may edad na. Graceful kung lumakad. Bagay ang suot na puting long sleeves sa kulay itim na pants. Slim na slim ang katawan.

Alagang-alaga. Tamang-tama ang hubog.

“Siguro’y may 10 minutong nawala si Mam bago bumalik sa akin. At sabi doon daw kami sa private room. Niyaya ako. Napalunok ako. Baka magkakasarili na kami ng matronang ito. Kung ganoon ang mangyayari, nakahanda ako. At masisiyahan ako kung ganoon nga sapagkat, type ko rin naman si Mam. Mas magandang magtrabaho kung gusto mo ang tatrabahuhin.

“Isang malawak na silid ang tinungo namin. May mesang kainan na may na­kahanda nang pagkain. Mayroon ding sopa at TV. Sa dakong dulo, sa gawing kaliwa ay may kama.

“Kumain daw muna kami. Naupo ako. Tumabi siya sa akin. Nalanghap ko ang bango niya. Ibang klase ang bango na lalong nagpatindi sa pagkagusto ko sa matrona.

“Kumain daw ako nang kumain. Huwag daw akong mahihiya. Sagot ko naman, hindi ako nahihiya. Bago ako kumain, sinabi ko nang tapatan na gusto ko siya. Totoo ang nararamdaman ko.

“Napangiti siya. Tapusin ko raw muna ang pagkain…’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DINALA

ISANG

KUMAIN

MAM

MAM KATRINA

NAPANGITI

SABI

SAGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with