SINALUBONG nina Tibur at Alice ang mag-anak nina Mulong sa airport. Mainit na mainit ang kanilang pagkikita. Hindi ma-tapus-tapos ang kumustahan.
“Malamig pala rito, Tibur. Baka hindi ako makatagal,’’ sabi ni Mulong na halatang na-ngangatog ang panga.
“Kaya mo ‘yan. Kung ako nakaya ko, ikaw pa e mas tigasin ka kaysa sa akin.’’
“Sabagay, nakaranas na rin tayo noon ng lamig sa Saudi. Hindi nga lang katulad dito.’’
“Masasanay ka rin dito, Mulong. Noong bagong dating ako, akala ko rin hindi ako tatagal pero nakaya ko. At saka pala kapag mahal mo ang isang tao, handa kang harapin ang lahat.’’
Nang nasa sasak-yan na sila at si Tibur ang nagmamaneho, walang tigil sa pagkukuwento si Mulong. Si Alice at Gina ay wala ring tigil sa pagkukuwentuhan. Nasa likod ang mga anak nina Mulong at tahimik na minamasdan ang kanilang dinadaanan.
“Alam mo, Tibur wala talaga sa pangarap ko na makakara-ting dito. Maski nga sa Saudi, wala akong pangarap na makara-ting doon. Ikaw lang ang humikayat sa akin. At ngayon, ikaw na naman ang naging instrumento ko. Lagi mo akong isinasama sa suwerte, Tibur”
Nagtawa si Tibur.
“Ang suwerte kasi, Mulong ay malapit sa mga taong nagsisikap. Nagsisikap tayong pareho kaya ito ang gantimpala sa atin. Kung tatamad-tamad tayo, hindi kailanman lalapit ang suwerte. Ano sa palagay mo?”
“Tama ka Tibur. Pero palagay ko ako ang masuwerte dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad mo.’’
“Pareho tayong masuwerte.’’
Sina Gina at Alice ay nakikinig sa dalawa.
“Basta kami ni Gina ay masayang-masaya dahil magkakasama na kami nang panghabampanahon, di ba Gina?”
“Oo. Matagal ko ring pinangarap ito. Sa wakas ay natupad din.’’
“Malaki ang utang na loob ko dito kay Gina dahil kung hindi sa kanya, hindi ko makilala si Tibur.”
“Ganundin naman ako, Alice. Malaki rin ang utang na loob ko kay Tibur dahil kung hindi sa kanya, hindi ko makikilala si Mulong.’’
“Para palang pi-nag tagpu-tagpo tayo ng tadhana ano?” Sabi ni Tibur.
Nagtawanan sila pagkatapos.
(Itutuloy)