May Isang Pangit (81)
ILANG buwan pa ang nakalipas at muling nagkausap sina Tibur at Mulong. Nasa Pilipinas na pala sina Mulong.
“Kahapon lang kami dumating, Tibur. Narito kami sa biyenan ko sa Quezon City. Dito raw muna kami dahil wala nang kasama sa bahay ang biyenan kong babae.’’
“Mabuti naman at maayos kayong nakarating. Maaari na ninyong ayusin ang mga papeles, Mulong. Sabi nga ni Alice, medyo maluwag pa ngayon. Maraming nagma-migrate ritong mga Pinoy. Noong isang araw may na-meet kaming isang pamilya at sabi mabilis ang kanilang pagtungo rito. Wala pa raw isang taon ay aprub na sila.’’
“Iyan ang aasikasuhin namin, Tibur. Sabi ni Gina, tututukan namin ang pag-aaplay.’’
“Tungkol dun sa sinabi kong tulong sa inyo, sabihin mo lang kung kailan kailangan at ipapadala ko. Huwag kang mahihiyang magsabi, Mulong. Kilala kasi kita na ma-pride chicken at ma-pride rice, he-he-he!”
Nagtawa si Mulong.
“Hindi na ako ma-pride, Tibur. Makapal na ang mukha ko nga-yon, he-he-he. Kaila-ngan kong kapalan ang mukha upang makara-ting diyan sa kinala-lagyan mo.”
“Ganyan nga, Mulong. Sige, apurahin n’yo para magkasama-sama na tayo.”
Maganda naman ang balitang natanggap ni Tibur mula kay Torn.
“Maunlad na ang tindahan ni Itay at Inay, Kuya Tibur. Naalagaan nang husto kaya lalong lumala- ki ay dumarami ang mga suki.’’
“Salamat naman. Kumusta ang pag-aaral mo, Torn.”
“Sigurado nang Cum Laude ako Kuya.’’
“Galing. Kapag nag-top ka sa board, may ibibigay ako sa ‘yo kapag narito ka na sa Australia.’’
“Ano Kuya?”
“Saka ko na lang sasabihin.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending