May Isang Pangit(73)
ISANG linggo bago umalis si Tibur patungong Australia ay nagyaya siya sa bukid na kanyang nilakhan. Gusto niyang makita ang dati nilang pag-aaring lugar.
“Halika, Torn. Gusto ko lang makita yung lugar na aking pinagmukmukan noon.
Sinamahan siya ni Torn sa bukid.
Nagulat si Tibur nang makita ang lugar. Da-muhan iyon. Maraming kogon ang dating kinatatayuan ng kanilang kubo. Ang mga tanim na saging at niyog ay iilan na lamang. Matataas ang niyog na hindi na maaabot ng panungkit. Naisip ni Tibur na napabayaan na ang lugar. Kung gaano kalinis noong sila pa ang nagmamay-ari, ay kabaliktaran ngayon. Parang isang gubat ang kanilang pinasok.
‘‘Bakit n’yo ba ipinagbili ang lupang ito, Kuya Tibur?’’
“Sinangla ito nina Itay sa isang mayamang tao sa bayan. Pero dahil sa laki na ng nakuhang pera ni Itay, hindi na matubos. Sabi raw ng mayaman ay babayaran na lamang niya kay Itay ang kabuuan. Kasi imposible raw na mabayaran pa ni Itay ang pagkakasangla. Wala nang nagawa si Itay. Binayaran na ang kakulangan pa. Binigyan na kami ng taning para lisanin ang lugar na ito.
“Pero bago dumating ang taning, namatay si Inay. Labis ang kalungkutan ni Itay sa pagkamatay ni Inay kaya hindi pa natatapos ang ika-1 taon nang pagkamatay ay sumunod na si Itay. Akong walang kamuwang-muwang sa buhay ang naiwan dito sa bukid. Naawa naman ang mayaman at hinayaan pa akong manatili rito. Siguro’y nakonsensiya kaya hindi muna ako pinaalis.
“Sabi ni Tiya Encar, ng inay mo, dun na lang ako tumira sa inyo pero tumanggi ako. Kaya ko na namang mag-isa. Gusto ko dito na lamang sa bukid na ito magmukmok. Pakiramdam ko, dito sa bukid ko na hihintayin ang paglubog ng araw.”
“Hindi ka nakapagpa-tuloy sa pag-aaral Kuya Tibur?’’
“Hindi na.Tinamad na ako. Lagi rin kasi akong tinutukso ng mga kaklase ko. May kaklase raw silang unggoy. Ang pangit ko naman kasi talaga.’’
‘‘Hindi ka naman pa-ngit Kuya, ah.’’
“Sipsip ka ha?’’
Napangiti si Torn.
‘‘Kaya wala akong ginawa kundi magtanim nang magtanim dito. Nagtanim ako ng palay at mais. Habang hinihintay ko ang pagbunga ng palay at mais, nagtanim ako ng gulay. Ipinagbebenta ko. Hanggang sa marami akong naipong pera…’’
(Itutuloy)
- Latest
- Trending