^

True Confessions

May isang Pangit (68)

- Ronnie M. Halos -

ISANG araw, may sinabi si Alice kay Tibur. Nag-aal­musal sila.

“May isang taong nagtatampo sa’yo, Tibur.”

“Sino Alice?”

“Yung matalik mong kaibigan sa Saudi.”

“Si Mulong?”

“Oo. Nakalimutan mo na raw yata siya. Mapera ka na raw kasi kaya nalilimutan mo na siya.’’

Nagtawa si Tibur.

“Napakatampuhin palang kaibigan kong iyon. Hindi ko siya nakakalimutan. Sana sinabi mong masyado lang tayong busy dahil nag-expand na ang negosyo rito.’’

“Ni hindi mo raw siya nabati noong birthday niya. Dati raw noong nasa Saudi pa kayo kapag birthday niya tuwing January ay nagkakainan kayo.’’

Nagtawa si Tibur.

“Talaga palang matindi ang tampo sa akin. Kaila-ngan pala ay matawagan ko siya.”

“Sa email mo na lang siya kumustahin, Tibur.”

“E hindi pa ako marunong mag-computer. Alam mo naman ako, araro at asarol ang sanay kong hawakan.’’

“Tuturuan kita. Mamayang gabi, ituturo ko sa iyo tapos mag-message ka kay Mulong.”

“Sige. Kailangang matuto akong mag-computer.’’

“Igagawa kita ng account sa Facebook para madali kayong magkakumusta-han. Pati mga picture mo ay makikita rin niya.’’

“E ano bang sabi sa’yo Alice?”

“Okey naman daw sila. Maganda ang trabaho. Pero gusto rin daw nilang magtungo rito. Tulungan daw natin. Mas masarap daw kung narito rin sila.’’

“Aba maganda yung naisip nila. Sa Saudi kasi, parang laging nasa numero ang kilos. Patago pa ang pagsisimba. Siguro nagsasawa na rin sila.”

“Nakakainggit ka raw Tibur. Kailangan daw maranasan din nila ang suwerteng natamasa mo.’’

‘‘Tulungan natin sila. Mas magiging masaya tayo kapag kasama sina Mulong at Gina.’’

“Talagang parang magkapatid kayo ni Mulong, Tibur.”

‘‘Oo. Alam mo ba nang umalis ako sa Saudi noon, napaiyak pa siya.’’

‘‘Mabuti ka kasing kaibigan. Matagal din naman kayong nagkasama. Kaya kung nasaan ka, gusto niya ay naroon din siya.’’

“Marahil nga.’’

(Itutuloy)

ALAM

MULONG

NAGTAWA

OO

SA SAUDI

SIYA

TIBUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with